^

PSN Opinyon

Tropa ni Tatay Digong, naitsapwera sa protest rally!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MAPAYAPA ang protest rally na isinagawa sa Makati at sa EDSA kung saan ipinanawagan ang accountability sa flood control scam at ang paghimok sa Senado na simulan na ang impeachment proceedings ni VP Sara Duterte. Ang naka­katawag-pansin lang mga kosa, hindi nakadikit o nakisali sa kanila ang tropa ni Tatay Digong at VP Sara. May sumipot naman na halos 80 supporters ng Duterte o DDS subalit andun lang sila sa may White Plains at malayo sa main stage ng White Ribbon March. Tsk tsk tsk! Mahigpit naman na minomonitor ng tropa ni Maj. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., ang chief ng PNP Directorate for Operations ang protest rally sa kanyang opisina sa Camp Crame. Sinabi ni QCPD director­ Brig. Gen. Randy Glenn Silvio na peaceful ang orderly ang protest rally at matiwasay na nag-disperse ang mga participants ng bandang alas-5:30 ng gabi noong Linggo. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Iginiit ni David San Juan, convenor ng TAMA NA na ang protesta ay layuning pag-isahin ang mga Pinoy sa laban kontra corruption kahit anupaman ang pulitika nila. Tinawagan ni San Juan ang mga Pinoy, lalo na ‘yung galit sa corruption, ‘yaong gustong kitlin na ang political dysnasty at humirit ng accountability na panahon na para mag-unite ang labanan ang salot sa lipunan na ito. Aniya, ang lahat ng sangkot sa flood control scam at dapat managot, samantalang ang impeachment ni VP Sara ay dapat umpisahan na ng Senado. “Lahat ng sangkot, dapat managot! “ ito po ang rally cry ng White Ribbon March, sabay deklara na hindi dapat makisali dito ang tropa ng Duterte. “Oil and water do not mix,” anila. Araguyyyyy! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Kung sabagay, noong mga nakaraang rally, itong tropa ni Tatay Digong ay pilit na nakisali at inakusahan silang nag-mo­bilize ng mga hoodlums na nagsimula ng gulo, nagsunog ng motorsiklo at pinasok ang ilang establisimyento upang ituro ang kaguluhan sa youth activists. Owwwww? Samantala, sa Senado ang grupo rin ni Tatay Digong ang abot-langit na nagsisigaw na mag-resign o patalsikin sa puwesto si President Bongbong Marcos. Halos sunod-sunod ang pickets ng pro-Tatay Digong subalit hindi naman lumaki ang bilang nila o makakuha ng suporta sa adhikain nila. Dipugaaaaa! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Nanawagan naman ang Bayan na ‘wag magpa-distract sa pro-Duterte groups na nais gamitin ang mga protest rallies para isulong ang kanilang agenda.

“We cannot link arms with those who consistently resort to disinformation not just to protect the corrupt but also to malign and undermine the efforts of anti-corruption advocates,” ayon pa sa grupo. Abangan!

RALLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with