‘Surprise witness’ sa impeachment papayagan

MANILA, Philippines — Papayagan ng Impeachment Court ng Senado ang House prosecution panel at depensa ni Vice President Sara Duterte na magharap ng mga sorpresang saksi sa panahon ng paglilitis sa impeachment, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr. nitong Lunes.
Si Bantug ang nagsisilbi ring clerk of court ng impeachment trial na inaasahang magsisimula sa Hulyo 6.
Ang parehong partido aniya ay may karapatang gumawa ng mga reserbasyon tungkol sa mga saksi na maaaring hindi pa available sa panahon ng pre-trial.
Pero kailangan aniyang ipaalam sa mga partido ang pagtawag ng mga naturang saksi nang hindi bababa sa tatlong araw bago ang nakatakdang paglilitis.
“So that’s allowed in the rules of court. That’s also allowed here in the impeachment court,” ani Bantug.
Idinagdag niya na ang pre-trial order ay maaaring ilabas sa Huwebes, Hunyo 25, alinsunod sa kalendaryo ng impeachment, na nagtatakda ng pag-isyu nito sa pagitan ng Hunyo 18 at Hunyo 25.
- Latest























