^

Bansa

Testigo sa VP Sara trial lumobo sa 57

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Testigo sa VP Sara trial lumobo sa 57
Vice President Sara Duterte on June 12, 2026.
Facebook/Inday Sara Duterte

MANILA, Philippines — Umabot na sa 57 ang posibleng tumestigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte mula sa dating 25 na mga saksi.

Ayon kay Lead Prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro, ito ay para matiyak na maipapakita sa Senado bilang impeachment court ang lahat ng mahahalagang ebidensya.

Giit ni Luistro, naging mas maingat sila at nagsisigurado na dahil sa tuntunin na ang mga saksi at ebidensiyang hindi naitala o naiprisinta sa pre-trial ay hindi na maaaring iharap sa mismong paglilitis. Isinama ng prosecution panel sa pre-trial brief na kanilang isinumite noong Lunes ang lahat ng posibleng saksi at dokumentaryong ebidensiyang may kaugnayan sa apat na Artikulo ng Impeachment.

Bagama’t tumanggi siyang magbigay ng detalye hinggil sa mga ulat tungkol sa umano’y mga bagong ebidensiya laban kay Duterte, kinumpirma niyang pinal na ang listahan ng mga posibleng saksi.

“As to the number of witnesses, the final number is 57,” ayon kay Luistro.

Nauna nang sinabi ng prosekusyon na naghahanda sila ng humigit-kumulang 25 saksi. Gayunman, lumaki ang bilang matapos nilang isama ang lahat ng saksi at ebidensiyang maaaring iharap sa paglilitis.

Ipinaliwanag din ni Luistro na ipinagbabawal ng mga tuntunin sa impeachment ang pagpapakita ng mga saksi at ebidensiyang hindi natukoy at namarkahan sa panahon ng pre-trial o ang surprise witnesses. Kaya lahat ng ebidensiya ay kailangang mamarkahan sa panahon ng pre-trial. Kung hindi aniya ito namarkahan, hindi naisama ang pangalan, at wala kang reservation, hindi na ito papayagang maiprisinta sa paglilitis.

Sa kabila ng pagkakaroon ng 57 saksi sa listahan, sinabi ni Luistro na hindi pa napagpapasyahan ng prosekusyon kung ilan sa kanila ang aktuwal na tatayong saksi kapag nagsimula na ang paglilitis sa Hulyo 6. Nasa pagpapasya naman aniya ng prosekusyon kung lahat ng 57 na ito ay ihaharap sa paglilitis. 

Sa apat na Artikulo ng Impeachment, sinabi ni Luistro na ang usapin hinggil sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ang may pinakamaraming saksi dahil sa dami ng mga dokumentong kailangang kilalanin at patunayan sa pamamagitan ng testimonya.

Dagdag pa niya, anumang ebidensiyang balak iharap ng prosekusyon sa paglilitis ay dapat nakasaad na sa pre-trial brief.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with