^

Bansa

Mayorya handa sa maruming balak ni Cayetano

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mayorya handa sa maruming balak ni Cayetano
Sen. Alan Peter Cayetano speaks at a press conference at the Senate building on Monday, June 8, maintaining that he remains Senate president.
Philstar.com / Ian Laqui

MANILA, Philippines — Handa ang majo­rity bloc ng Senado na pinamumunuan ni acting Se­nate President at Pro Tempore Sherwin Gatcha­lian sa anumang maruming balak ni Sen. Alan Peter Cayetano sa special session ng Senado, ayon kay Sen. Panfilo Lacson.

Sinabi ni Lacson na habang kinikilala ng halos lahat - maliban kay Ca­yetano at iilang kaalyado nito - si Gatchalian bilang lider ng Senado, ipinakita na ni Cayetano na kaya niyang gawin ang kahit ano upang kumapit sa “puwesto.”

“Nakahanda kami sa mga contingencies in case mangyari yan na manggugulo siya. Meron kaming pinag-uusapan, di ako at liberty to divulge. ‘Pag nag-uusap kami sa majority bloc ngayon ‘yan isa sa amin pinag-usapan. ‘Yan emphasize ko, huwag i-underestimate kasi capable ang tao na ‘yan gumawa ng maski anong gulo. He doesn’t care about the institution, he only cares about himself,” ani Lacson sa panayam sa DZBB radio.

Nang tanungin tungkol sa posibilidad na agawin ni Cayetano ang podium sa espesyal na sesyon, sinabi ni Lacson na “capable” itong gawin ni Cayetano dahil “mahilig siya sa ganyan.”

Aniya, maging ang ilan sa mga kaalyado ni Cayetano sa ngayo’y minority bloc ay hindi na rin gaanong lantad sa pagsuporta sa kanyang pag-angkin sa pagkapa­ngulo ng Senado.

“Magising na sana sa katotohanan ito ang rea­lidad. Maski sinigaw niya sa buong mundo siya ang SP walang sumusunod sa kanya. Napansin ninyo tahimik ang iba niyang kasama ang dating mai­ngay na kasabay niya wala na ring comment. Narea­lize na rin nila siguro ang reality tapos na boxing, ‘wag na insist. Although walang permanent Senate President, pero ‘di na siya ang SP for all intents and purposes,” aniya.

Muli ring iginiit ni Lacson na kapag natuloy ang espesyal na sesyon, dapat umiwas si Cayetano sa paggawa ng gulo sa mga proceedings.

“Huwag manggulo. Maging mga senador, makilahok. Tapos kung anong pinaglalaban, sa floor namin pag-usapan, huwag sa FB. ‘Di namin siya madedebate sa FB. Ang puwede, magdebate kami sa plenaryo, hindi sa FB,” aniya.

ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with