^

Bansa

Sara, No.1 sa pag-iwas sa accountability – Gadon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation(PAPA) Secretary Larry Gadon si Vice President Sara Duterte na “No.1” sa pag-iwas sa accountability na taliwas sa kanyang mensahe sa Araw ng Kalayaan.

Ayon kay Gadon, panay iwas sa accountabi­lity ni Duterte na nahaharap sa impeachment proceedings. Aniya, sa impeachment trial ­umano mabibigyang-­linaw ang mga alegas­yon at ebidensyang nakalap ng Kamara laban kay Duterte.

Sa kanyang Independence Day message, nanawagan si Duterte sa mga Pilipino na panindigan ang katotohanan, pananagutan, at mabuting pamamahala.

Pinabulaanan din ni Gadon ang pahayag ng bise presidente na umano’y walang sapat na ginagawa ang admi­nistrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mahihirap.

Binigyang-diin niya ang mga programa ng pamahalaan para sa mga magsasaka at iba pang sektor, kabilang ang pamamahagi ng mga titulo ng lupa, pagtatayo ng mga post-harvest facilities, pagbibigay ng farm implements, at subsidiya, gayundin ang pagpapalawak ng mga benepisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino.

Iginiit ni Gadon na maraming programang ipinatutupad ang admi­nistrasyon upang mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap at palawakin ang access sa serbisyong pangkalusugan.

LARRY GADON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with