P40 milyong pabahay sa Mayhaligue aprub

Isko-Chi tandem ‘di paasa
MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Manila City Council ang P40 milyong pondo bilang legal deposit para sa ekspropriasyon ng mga pribadong lupain sa Mayhaligue, District 2, bilang bahagi ng programa ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mabigyan ng permanenteng pabahay ang mga residente at biktima ng sunog sa lugar.
Nakapaloob sa Ordinansa Blg. 9192 ang pondong naipasa sa 3rd at final reading nitong Lunes, Hunyo 8 pinamunuan ni Vice Mayor at Presiding Officer Chi Atienza at inaprubahan ng mga konsehal na kinabibilangan nina Councilors Darwin “Awi” Sia, Edward Tan, John Christopher “Bolong” Sy, at Raymundo “Mon” Yupangco. Ayon sa Konseho, ang ordinansa ay magsisilbing unang hakbang upang maisulong ang pagkuha ng lupa sa pamamagitan ng expropriation para sa kapakinabangan ng mga matagal nang residente at mga pamilyang naapektuhan ng sunog na nahaharap sa banta ng pagpapaalis sa kanilang mga tirahan.
Binigyan diin ni Atienza na ang agarang pag-apruba sa pondo ay bunga nang mabilis na aksyon ng kasalukuyang administrasyon matapos umanong mabatid na hindi naisakatuparan ng nakaraang pamahalaang lungsod ang naunang planong ekspropriasyon.
Dagdag pa nito, umasa ang mga residente ng Mayhaligue sa naunang ordinansa na nangakong maisusulong ang pagkuha ng lupa para sa kanila, subalit natuklasang hindi ito nabigyan ng kinakailangang pondo.
“Nangako ang ating alkalde na gagawin niya ang lahat upang maibalik ang property sa mga taga-Mayhaligue.
- Latest





















