^

Bansa

Kamara: Flood probe taktika para ilihis Sara trial

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dapat magpatuloy ang impeachment trial ni Pangalawang ­Pangulo Sara Z. Duterte sa tamang forum at hindi maantala ng tinawag ng mga mambabatas na mga kasinungalingan, pampulitikang panggulo, at ‘di-awtorisadong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Binanatan nina House prosecutor at Bicol Saro Rep. Terry Ridon at dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang kasalukuyang aktibidad sa Senado na kinasasangkutan ng umano’y mga testigo. Giit nila, tila layunin nitong ilihis ang atensyon ng publiko mula sa impeachment case patungo sa mga alegasyong hawak na ng korte.

“Tandaan: Tuloy ang impeachment trial. Walang kasinungalingan o gawa-gawang testimonya ang makapipigil sa House prosecution panel na magtuloy sa paglalahad ng katotohanan sa paglilitis ng Pangalawang Pangulo,” pahayag ni Ridon.

Samantala, sinabi naman ni Barbers na dapat sa mga hukuman na lamang magpaliwanag ang mga testigong humarap sa Senado, lalo na’t nahaharap na sila sa mga kasong isinampa ng mga taong dati nilang isinangkot sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

“Sa korte na lang kayo magpaliwanag,” pahayag ni Barbers, na dating lead chairman ng House Quad Committee noong ika-19 na Kongreso.

Ayon kay Barbers, na dati ring chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, ang nagpapatuloy na pagdinig ay isa umanong operasyong pampulitika na naglalayong guluhin ang impeachment proceedings laban kay Duterte, habang sinisira rin ang kredibilidad ng Kamara at ng International Criminal Court (ICC).

Aniya, ilang ulit nang kinilala ng ICC ang hurisdiksyon nito sa mga reklamong isinampa laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with