Gobernador, nagpiyansa sa kasong cyberlibel
MANILA, Philippines — Pinayagan ng Quezon City Prosecutor Office na maglagak ng piyansa si Catanduanes Governor Patrick Allain T. Azanza para cyberlibel.
Batay sa resolusyon ni City Prosecutor Vimar Barcellano, P48,000 ang pyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Azanza, batay na rin sa reklamo ni Jeric Cua, Presidente ng Powerzone Petroleum Products Corporation. Naksaadsa 11-pahinang resolusyon.
Si Azanza ay nahaharap sa paglabag sa Section 4(c)(4) ng Republic Act No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) na may kaugnayan sa Articles 353 at 355 ng Revised Penal Code.
Ayon sa piskalya, kumpleto ang mga elemento ng cyberlibel sa ginawang Facebook post ni Azanza noong Hulyo 25, 2025. Sa naturang post, kinuwestiyon ni Azanza ang mataas na singil sa kuryente sa Catanduanes at pinalabas na ang Powerzone ang direktang nagbebenta ng krudo sa independent power provider na SUWECO upang magkamal ng malaking pakinabang.
Personal umanong naroon ang gobernador sa legislative hearing noong Hulyo 24, 2025, kung saan malinaw na ipinaliwanag ng kinatawan ng SUWECO na ang Unioil ang kanilang supplier, at ang Powerzone ay nagsisilbi lamang bilang “hauling and storage facility”.
- Latest






















