^

Bansa

Arraignment nina Estrada, Bonoan ipinagpaliban

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Arraignment nina Estrada, Bonoan ipinagpaliban
Senator Jinggoy Estrada, accompanied by his daughter Janella Estrada, leaves the Sandiganbayan in Quezon City after attending his scheduled arraignment on the graft case filed against him at the Sandiganbayan in Quezon City on June 2, 2026.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban ng Sandiganbayan 2nd Division ang pre-trial at arraignment sa kasong graft na kinakaharap nina Sen. Jinggoy Estrada at dating DPWH Secretary Manuel ­Bonoan ­na may kinalaman sa flood control mess.

Ito ay makaraang magpasya ang graft court na resolbahin muna ang mga nakabinbing mosyon ng magkabilang panig bago ituloy ang pagdinig sa naturang kaso.

Una nang naghain si Estrada ng omnibus motion na humihiling na ibasura ang kaso at magsagawa ng panibagong imbestigasyon hinggil sa alegasyong nagkaroon ng kickback sa flood control projetcs ng gobyerno.

Naghain naman ang kampo ni Bonoan ng mosyon na nakabatay sa kanyang kalagayang pangkalusugan matapos tumaas ang blood pressure.

Si Estrada ay inakusahang tumanggap ng mahigit P573 milyong kickback kaugnay ng mga proyekto sa flood control samantalang si Bonoan ay idinawit sa kaso dahil umano sa pag-apruba at pagpapalabas ng pondo kapalit ng tinatawag na commitment fees.

Muling itinakda ng Sandiganbayan ang arraignment at pre trial sa kaso sa Huwebes ng hapon sa June 4.

Si Estrada ay nakakulong sa kasalukuyan­ sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas makaraang arestuhin ng mga tauhan ng CIDG sa Senado nitong Lunes.

Wala pa namang naitatakdang araw para sa pagbusisi ng Sandiganbayan 5th Division sa plunder case ni Estrada at kapwa akusado nito na may kinalaman pa rin sa flood control scandal.

SENATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with