^

Probinsiya

Kandidato sa pagka-kagawad, nagbigti

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Pinaniniwalaang problema sa pamilya ang dahilan kung bakit kusang nagpasalubong kay Kamatayan ang isang 48-anyos na ginang na tumatakbo sa pagka-barangay kagawad makaraang magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Poblacion 6, Midsayap, North Cotabato kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Judith Postrado, 48-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Dakong alas-11:30 ng umaga ng makita ng asawa nito na si Joseph Rex Diolaso Postrado, 48-anyos, isang tanod sa barangay ang misis nitong wala nang buhay sa loob ng kusina ng kanilang bahay na nakabitin sa kisame gamit ang nylon cord na itinali sa leeg nito.

Personal na problema umano ang posibleng dahilan ng pagpapakamatay ng biktima matapos umano nitong mahuli ang mister na may kalaguyo.

Duda naman ang pamilya ng babae sa paraan ng pagpapakamatay ng biktima dahil madalas umanong minamaltrato ito ng mister.

Patuloy na inaalam ng pulisya kung may foul play sa naturang insidente.

WIFE SUICIDES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with