^

PM Sports

Brownlee bumandera sa panalo ng alab sa game one

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umiskor si import Justin Brownlee ng playoff record na 46 points kabilang ang 10 mar­kers sa overtime period para ihatid ang San Miguel-Alab Pilipinas sa 143-130 panalo kontra sa Mono Vampire Thailand sa Game One ng kanilang best-of-five championship series para sa 2017-2018  ASEAN Basketball League noong Linggo sa Sta. Rosa Mul­ti-Purpose Sports Com­­plex sa Sta. Rosa, La­guna.

Ang 6-foot-5 na si Brownlee ay isang assist lamang ang kulang pa­ra sa triple-double ma­­tapos magtala ng 11 rebounds at 9 assists pa­ra sa ikatlong panalo ng Alab Pilipinas kontra sa Mono Vampire kabilang na ang dalawa sa elimination round.

Hangad ngayon ni head coach Jimmy Alapag ang 2-0 bentahe sa serye sa kanilang mu­ling paghaharap bukas sa Game Two sa parehong venue bago lilipat ang serye sa home court ng Thailand sa Sabado.

Bukod kay Brownlee, nagdagdag din si import Renaldo Balkman ng 39 points kabilang ang panablang follow-up mula sa mintis ni Brownlee sa free throw line para itabla ang laro, 121-121, at humirit ng five-minute extension.

Sa drive ni Brownlee ay nakamit ng 7’5 na si Sam Deguara ang kanyang pang-limang foul kaya wala nang nakahadlang sa arangkada ng tropa ni Alapag sa overtime period kung sa­­an naugusan nila ang Thailand team, 22-9.

Ang naitalang 143-130 ay ang pinakamataas sa kasaysayan ng liga mula noong 2009.

Ang Pilipinas pa rin ang may pinakamara­ming titulo sa ABL ka­bilang na ang dalawa ng Philippine Patriots no­ong 2009 at 2010.

Ang huli ay sa San Miguel Beermen nina June Mar Fajardo at Asi Taulava noong 2013 ka­ya gusto ni Alapag na maging ikatlong Pinoy team na nagkampeon sa liga.

BASKETBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with