^

Pang Movies

Heart hindi pa mapilit balikan ang ngaragang taping!

#INTRIGA PA MORE - Pang-masa
Heart hindi pa mapilit balikan ang ngaragang taping!
Heart

Pursigido na talagang magkaanak si Heart Evangelista. Kahit na waiting na ang GMA Network na muli siyang papirmahin ng bagong kontrata, chillax muna sila ng asawang si Sen. Chiz Escudero.

Eh, puwede namang mag-focus si Heart sa kanyang paintings kung sakaling mabuntis. Aba, sold out ang latest exhibit ng kanyang art works kaya kung sakaling mabuntis, paupu-upo lang siya sa pagpipinta, tapos, kumikita pa, huh!

Ang balita nga mamin, may offer nang bagong series sa Kapuso Network si Heart pero after My Korean Jagiya eh, bawas muna siya sa ngaragang tapings.

Kahapon, nasa Eat Bulaga naman si Heart kasama ang fave designer niyang Mark Bumgarner at kitang-kita sa face and beauty niya ang pagiging relax ngayon.

Alfred at Ate Vilma iisa ang sentimyento!

Sobrang tumatanaw ng utang na loob si Congressman Alfred Vargas sa mo-vie press na naging bahagi ng pagiging artista niya. Mula sa pagiging wannabe hanggang sa makilala bilang mahusay na aktor eh naging konsehal siya sa Quezon City hanggang sa lumawak ang nasasakupan ngayong congressman na siya ng isang distrito sa QC.

“Kahit ‘yung iba sa inyo eh hindi ako kilala, nandiyan pa rin kayo, tumutulong at pinagtanggol. This is my way of saying thank you at kahit anong mangyari, hinding-hindi ko makakalimutan ang mga tulong niyo.”

“I will always be grateful to the world of showbiz. Naging congressman po ako ngayon, dahil ‘yon sa pagiging artista ko at sa aking producer at naging bahagi po kayo ng aking buhay. Thank you very much and sana we continue. Puwede ninyo akong i-text ng diretso kung meron kayong tanong o concern. I am here not only because I am na actor or congressman but I am here because I am your friend,” pahayag ni Cong. Alfred sa isinagawa niyang Thanksgiving Salu-Salo sa Victorino’s kahapon.

Ang obserbasyon ng ilang dumalo na press, ‘yung sinabi ng kongresista eh mismong sinabi rin ni Cong. Vilma Santos-Recto na nagsimula ang political career bilang Lipa City Mayor, dumiretso sa pagiging Batangas Governor at ngayon ay katulad niyang Lipa City Congresswoman.

“Para sa akin, si Ninang, Ninang ko po siya sa kasal, si Ninang Vilma ang isa sa magandang ehemplo ng artista na naging public servant. Kung meron man akong gustong sundan o gawing ehemplo, siya po ‘yon.

“Tama po ‘yon, We share the same sentiments. Kung bibisita kayo kay Ate Vi, magkatapat po kami ng opisina. Ang tawag sa parte ng Congress na ‘yon eh showbiz wing!” saad pa ni Cong. Vargas.

Kahit maraming issues ngayon sa Kongreso, walang pagsisisi sa pinili niyang posisyon. Kahit na nga nagsasala-salabat ang schedules niya bilang congressman, artista, student at family man, walang pagisisisi sa kanya.

Pagdating naman sa showbiz, gabi-gabi siyang napapanood sa GMA series na Kambal Karibal na paborito ring panoorin ng asawang si Jasmine at ng dalawa nilang anak na babae.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with