Mark nagsalita sa kanyang sex video!
Muntik nang matalbugan ni Mark Herras ang co-stars niya sa presscon ng The Cure noong Martes dahil mabentang-mabenta siya sa entertainment writers na gustong malaman ang kanyang reaksyon tungkol sa paglabas sa Internet ng video scandal na history na dahil lumang isyu na.
Matapang na sinagot ni Mark ang lahat ng mga tanong kaya na-appreciate ng mga reporter ang honesty niya dahil hindi siya katulad ng ibang mga aktor na iniwasan na sagutin ang pagkakasangkot nila sa mga video scandal controversy.
Isa lang ang pakiusap ni Mark, huwag nang idamay sa video scandal issue ang kanyang girlfriend na si Winwyn Marquez.
May mga antipatiko kasi na itina-tag pa si Winwyn sa video scandal ni Mark, kahit wala siyang kinalaman. Hindi pa magkakilala ang dalawa nang mangyari ang insidente kaya unfair na isangkot pa si Winwyn sa isang isyu na wala itong kinalaman.
Ni-request maging kontrabida
May sagot din si Mark sa intriga na suporta na lamang siya kay Jennylyn Mercado na leading lady niya sa mga pelikula at mga television series ng GMA 7.
Kontrabida ang role ni Mark sa The Cure at ito ang choice niya.
Mismong si Mark ang nag-request sa bosses ng Kapuso Network na bigyan siya ng challenging contravida role at natupad ito sa The Cure.
Tuwang-tuwa at thankful si Mark sa management ng GMA 7 dahil pinagbigyan ang hiling niya na offbeat role.
Ni-reinvent ni Mark ang sarili sa pamamagitan ng pagpapatubo ng bigote at balbas para convincing ang pagiging kontrabida niya sa primetime teleserye na magsisimula sa April 30.
Parang pelikula ang quality ng The Cure nang ipakita sa presscon ang full trailer ng coming soon primetime show ng GMA 7.
Pinabulaanan ng mga bossing ng GMA 7 na tungkol sa mga zombie ang kuwento ng The Cure.
Original story ang The Cure na matagal nang plano na gawin na teleserye.
Ikinuwento ng isang involved sa production na 2012 pa nang maisip nila na gawin ang The Cure pero hindi muna itinuloy dahil baka hindi pa handa ang Pinoy televiewers sa mga show na tungkol sa viral infection.
Hindi puwedeng sabihin na ginaya ng The Cure ang plot ng Train to Busan dahil 2016 ito nang ipalabas sa mga sinehan na nangangahulugan na four years older ang concept ng The Cure kaya hindi puwedeng pagbintangan ng pangongopya ang writers ng teleserye na tinatampukan nina Mark, Jennylyn at Tom Rodriguez.
Nameless fan super ride pa more sa pananabig ni Nadine!
Model-modelan pala ang female fan na tinapik ni Nadine Lustre ang bisig dahil OA na ang selfie request niya kay James Reid.
Siyempre, sakay na sakay sa isyu ang female fan at ang mga kaibigan nito dahil nagkaroon sila ng mga free publicity.
‘Yung isang model, nagpakilala na model ng GMA 7 na hindi totoo dahil hindi naman siya contract star ng Kapuso Network. Ginagamit niya ang GMA 7 para magkaroon siya ng prestige at tumaas ang premium niya.
Hindi na dapat pag-aksayahan ng panahon ng fans nina James at Nadine ang female fans na sabik na magkaroon ng 15-minutes of fame.
Nagagamit din sila dahil convinced ang nameless girls na publicity, good or bad, is still publicity, kaya sila ang nakikinabang sa bashing na kanilang nararanasan, courtesy ng JaDine fans.
- Latest