^

Probinsiya

Senglot nahulog habang tulog, tigok

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay  , Philippines  — Nabasag ang ulo at namatay noon din ang isang 28-anyos na construction worker matapos itong mahulog sa tinutulugang double-deck dahil sa sobrang kalasingan sa nirerentahang bahay sa Purok 3, Brgy. Bagumbayan sa bayan ng Malinao, Albay noong Linggo ng umaga.  Patay na nang madiskubre dakong alas 5:45 ng umaga ng kanyang mga kasamahan sa trabaho ang biktimang kinilalang si Jose Diche Dioquino, residente ng Brgy. Juan, Bacon District, Sorsogon City at kasalukuyang nanunuluyan sa nasabing barangay.

Ayon kay S/Insp. Emmanuel Ramos, ng Albay Police, magdamagang nakipag-inuman ang biktima sa kanyang mga katrabaho. Gayunman, dakong alas-2:00 ng madaling araw inalalayan ng kanyang mga kasamahan ang biktima na umakyat sa second floor nang nirerentahan nilang bahay at natulog sa ibabaw ng double deck na walang harang. 

Pinaniniwalaang nahulog ito mula sa kinahihigaan na una ang ulo na bumagsak sa sementadong sahig ng bahay. Sinubukan pang isugod sa Ziga Memorial District Hospital sa Tabaco City ang biktima pero idineklara ring patay.

vuukle comment

CONSTRUCTION WORKER

NAMATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with