^

Para Malibang

Pinanggagalingan ng Depression at Anxiety ng Anak

MOVE ON NA TEH! - Miss Violet - Pang-masa

Ang anxiety ay madalas ay nakikitaan sa mga bata at young people na iba’t ibang paraan gaya ng takot, phobia, obsessive-compulsive disorder, sinasaktan ang sarili, post traumatic stress, at panic disorder.

Lahat ng bata at teenagers ay nakararanas ng anxiety bilang bahagi ng kanilang normal development. May mga takot na nararamdaman na tugma sa kanilang edad at  iba’t ibang stages ng kanilang development. Tulad ng takot sa dilim ng 3 years old. Ang depression at anxiety ay nagiging problema kalaunan kapag pinipigilan ang bata at teenager na mag-enjoy sa kanilang buhay. Ang anxiety ay puwedeng mauwi sa depression. Halos 25% ng 8 year old at 21.7% ng 17 years old na nai-report na mayroong anxiety. Ito ay karamihan sa mga girls kaysa sa mga boys.

Bago sawayin ang bata o teenager sa isang bagay na gusto niyang gawin ay bigyan siya ng option na puwedeng pagpilian. Maaaring payagan din ang anak, pero nakabantay ang guardian para mawala rin ang pangamba ng magulang.

Hayaan ang bata at teenager na mag-explore at mag-enjoy upang hindi magtanim ng hinanakit o panghihinayang na kalaunan ay mauwi sa kalungkutan hanggang maging anxiety at depression. Ang problema “no” agad ang sagot ng nanay at tatay na hindi muna ipinapaliwanag kung bakit at hindi rin muna pinapakinggan at respetuhin ang nais ng bata. Dahil minsan lang silang maging bata na mag-enjoy sa sarili nilang mundo.

ANXIETY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with