^

Probinsiya

Kagawad itinumba sa Cebu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang araw bago magsimula ang election period para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections ay isang kagawad ang itinumba ng armadong kalalakihan sa Cebu kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, nakilala ang biktimang si Neil Abella na kagawad ng Brgy. San Isidro sa bayan ng San Fernando.

Pinaulanan ng bala ang sasakyan ni Abella bandang ala-1 ng madaling araw. Kasasakay pa lamang ng biktima at ng kaniyang kasamahang si Eric Alesna nang paputukan sila ng mga suspek.

Samantala, nagpapagaling naman si Alesna na tinamaan ng bala sa braso.

Tinitingnan namang anggulo ng mga awtoridad ang pagkakasangkot ni Abella sa ilegal na droga.

Pinaniniwalaang may koneksyon si Abella kay self-confessed drug lord Franz Sabalones.

Natagpuan ng mga awtoridad sa sasakyan ni Abella ang drug paraphernalia, disposable lighter, at mobile phone.

 

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with