Cycle ng anxiety at depression
Ang anxiety at depression ay seryosong problema ng mga teenagers. Karaniwang sensyales ng anxiety ay ang tension, nag-aalala, nadidismaya, irritable, malungkot, at mayroong withdrawal. Samantalang kapag depress ang anak ay nawawalan ng pag-asa, malungkot, irritable, laging galit o naiinis, hinihiwalay ang sarili, at pakiramdam na walang silbi o halaga.
Karaniwang hindi nai-express ng young people ang kanilang anxiety at depression nang direktahan na paraan. Mapapansin lang na naaapektuhan silang sa pamamagitan ng kanilang passive o negatibong behavior.
Makatutulong na aminin na mayroong problema ang anak na mas maganda kung maagang maaagapan upang mabago agad ang kanilang problema. Ibig sabihin ay maghanap ng masasabihan o humingi ng professional na tulong para mabigyan agad ng solusyon ang pinagdaraanan ng anak.
Paano ba babasagin ang cycle ng axiety? Makipag-usap sa kaibigan, pamilya, o grupo. Maging aware kapag nati-trigger ang anxiety. Alamin ang breating technique, bawasan ang caffeine, at humingin ng tulong. Sa depression, kausapin ang school nurse, iwasan ang negatibong pag-iisip na magpapababa ng mood, mag-excersice in moderation, kumain ng balanseng diet, at maghanap ng professional na tulong.
- Latest