Julia nangulelat sa action!
While everyone agrees na isang mahusay na aktres ang Kapamilya young actress na si Julia Montes, marami ang nagsasabi na hindi gaanong gusto ng mga televiewers ang role ni Julia sa kanyang tumatakbong panghapon na serye, ang Asintado na pinagtatambalan nila ni Aljur Abrenica at kung saan din tampok na mga bituin sina Shaina Magdayao, Louise de los Reyes, Lorna Tolentino, Agot Isidro, Nonie Buencamino at iba pa.
Nung January 15, 2018 pa lamang nagsimula sa ere ang Asintado pero may lumulutang na balita na maaga umanong tatapusin ang serye dahil hindi ito gaanong pumapalo sa ratings.
Hindi siguro gusto ng mga manonood na nag-a-action si Julia. Mas gusto nila na mag-focus na lamang si Julia sa mga drama series.
Probinsyano babu na raw talaga
Wala pang kasiguraduhan kung kelan magtatapos sa ere ang long-running action-drama TV series ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin ito sa pamamayagpag sa ratings considering na malapit na itong umabot ng tatlong taon sa ere.
May mga nagsasabi na sa buwan na umano ng September 2018 tatapusin ang FPJ’s Ang Probinsyano sa pagsapit ng serye sa kanilang ika-tatlong anibersaryo.
Gina hirap kay nora
Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkasama sa isang TV project ang superstar na si Nora Aunor at ang award winning actress-director na si Gina Alajar but not as co stars kundi bilang actress (Nora) at director (Gina) sa bagong upcoming TV series ng GMA, ang Extraordinary Love na magsisilbing big break sa dwarf actress na si Jo Berry.
Hindi ikinakaila ni Gina na kinabahan siya nung umpisa na idirek ang TV and movie icon na si Guy (Nora) dahil hindi lamang sila magkasama sa bagong TV project ng Kapuso Network kundi siya (Gina) ang tumatayong director ng serye.
Hindi magiging madali kay Gina ang kanyang bagong TV directorial project dahil may tumatakbo siyang TV series bilang actress, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka (also on GMA) kung saan siya gumaganap sa papel ni Doña Adelaida “Adel”Angeles, isang matapobre at mapang-aping ina na ginagampanan ng Kapuso actor na si Mike Tan as Marco Angeles.
Although parehong love ni Gina ang kanyang trabaho bilang actress at director, hindi nito ikinakaila na mas mahirap ang role ng isang director dahil siya ang ‘captain of the ship’ at nakaatang sa kanyang mga balikat ang kabuuan ng serye.
Ang Extraordinary Love ay pang-20 TV project na ni Gina bilang director na kanyang sinimulan in 1999 sa pamamagitan ng afternoon TV series na Del Tierro. Ang last TV series na kanyang dinirek ay ang Pinulot Ka Lang sa Lupa in 2017 na tinampukan ng magkasintahang Julie Anne San Jose at Benjamin Alves.
Anjanette Abayari todo kayod sa Amerika para sa dalawang anak
Single parent si Anjanette Abayari sa kanyang two young sons na sina Aiden at Ashton na anak niya sa magkaibang guy. Wala man siyang katuwang sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanyang dawalang anak, very hands-on mom si Anjanette sa kanyang mga anak. Kapag walang pasok sa trabaho ang dating beauty queen-actress, she makes it a point na kasama niya ang dalawang bata sa pamamasyal.
Napakaganda ng boses ng panganay ni Anjanette na si Aiden na dalawang beses kumanta sa aming rare get-together dinner party sa bahay ng concert producer na si Alfonso “Tito Al” Chu sa Anaheim, California last March 24 at napahanga ng bagets ang mga naroong singers na sina Louie Reyes, ang mister nitong si Cesar dela Fuente maging sina Tootsie Guevarra at Lew Soratorio.
- Latest