^

Metro

Executive assistant ng fashion consultant ni Digong, biktima ng ‘dorobong’ taxi driver sa NAIA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang executive assistant ng consultant for fa­shion ni Pangulong Rodrigo Du­terte ang nagreklamo ma­tapos siyang mabiktima nang overcharging fare nang sumakay ito ng taxi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 noong Marso 2, 2018 ng hatinggabi.

Ayon kay Airport Police Officer 2 Roderick Mejia, ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng Airport Police Department (APD) ng NAIA, isang Suzanne Naga, executive assistant ni Melody Pimentel, fashion consultant ni Pa­ngulong Duterte ay dumating sa NAIA Terminal 2 noong Marso 2 at  pumara ito ng taxi para magpahatid sa Terminal 3 dahil nagkamali ng pinuntahan ang su­sundo sa kanya.

Base sa imbestigas­yon, kinon­trata diumano ng sinasabing isang  Bong Leoligao ng Austein Taxi (TYK 962) sa halagang P600 si Naga para magpahatid sa Terminal 3 at hiningan pa umano ito ng karagdagan P45.00 para sa toll fee sa skyway.

Habang nasa loob ng taxi, nalaman ni Leoligao,  na si Naga ay pupunta sa Makati area at doon kinon­trata diumano siya ng taxi driver ng karagdagan P1, 200, kaya sa takot mabilis itong bumaba sa taxi pagdating sa NAIA terminal 3.

Samantala, kinabuka­san  pumunta si Naga sa IDD-NAIA para ireklamo ang taxi driver kaya isang follow up operation ang ginawa ng APD. Nakita ang taxi driver sa terminal 2, alas-10:00 kamakalawa ng gabi kaya kaagad itong inimbitahan sa IDD headquarters.

Napag-alaman sa pag­­­sisiyasat na ang plate num­­ber na TYK 962 ng Austein taxi ay peke diumano at ito ay nakarehistro sa isa umanong Avanza.

Gayunman, itinanggi ito ni Leoligao at sinabi nito na nabili niya diumano­ ng P70,000 ang plate num­ber sa Central Office ng Land Transportation Office (LTO).

Gayunman si Leoligao ay pansamantalang nasa IID headquarters para sa kaukulang imbestigasyon at kung mapatunayan na may kasalanan siya ay ka­kasuhan ng estafa/swindling ng APD.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with