^

Punto Mo

Price control sa ipit bigas

Butch M. Quejada - Pang-masa

NALALAGAY tuloy sa alanganin ang kapakanan ng mga magsasaka kapag may ‘secret’ quarreling ang ilang bright sa gobierno dahil daw sa isyu ng rice importation?

Sabi nga, may ayaw, may gusto nito.

Ang talagang problema dito ay nagtaas ang bilihan ng mga commercial rice matapos mawala ang ibinebentang NFA rice sa halagang P27 to P32 sa mga merkado.

Ayon sa mga bright, naubos na daw kaya kailangan ang mag-import ng bigas. 

Naku ha!

Ano ba ito?

Alam ng madlang pinoy kung gaanong kahalaga ang pagkain ng kanin sa kanila partikular ang mga pobreng alindahaw dahil sa walang makuhang murang bigas yari sila sa presyo ng commercial rice na nagtaasan pa ngayon.

Hindi kasi nakontrol ito ng DTI at ng NFA dapat kasi nagpatupad agad sila ng ‘price control.’ 

Sige kayo rin baka makarating iyan kay Pangulong Digong at mamura kayo ng wala sa oras.

Buti nga!

Mahalaga ang kanin/bigas sa mga mahihirap nating mga kababayan dahil kahit walang ulam ang mga ito haluan lamang nila ng asin at kaunting tubig ang kakainin nilang ‘rice’ masaya na sila dito kahit walang ulam.

‘Paano ngayon at walang mabiling murang bigas ng NFA ?’ tanong ng mga pobreng alindahaw.

Saan sila kukuha ng murang bigas para makain ?

Alam naman natin na nagtaasan ang presyo ng commercial rice at ang pinakamababa dito ay P40.00 a kilo ?

‘Makakain pa kaya ang mga pobreng alindahaw sa ganitong kamahal na bigas ?’ tanong ng kuwagong gutom.

May aksyon na kaya ang gobierno tungkol sa problemang ito ?

Sagot - parang wala pa nagmumuni-muni ang ilang opisyal na mag-angkat ng bigas sa Thailand, Vietnam o China ?

‘Matagal pa ang harvest time ng mga magsasaka sa kanilang bukirin dahil mukhang sa last week pa ata ng Pebrero o Marso babaha ng bigas sa Philippines my Philippines bakit hindi na lang ito ang bilhin sa mga magsasaka para makatulong pa sila sa mga ito ?’ tanaong ng kuwagong mapagsamantala.

Totoong walang shortage sa supply ng bigas pero mahal nga lamang ang mabibili ng madlang people sa merkado.

Ang pinaguusapan natin dito ay ang supply ng NFA rice para makabili ang mahihirap nating mga kasangga.

Sabi nga, hindi tayo nagkukulang sa supply ng commercial rice kundi ang NFA ang siyang nagkukulang sa trabaho nila.

Abangan.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with