^

PSN Palaro

Wozniacki, Tsonga pasok sa 3rd round

Pilipino Star Ngayon

MELBOURNE - Nalampasan ni second-ranked Caroline Woz­niacki ang dalawang match points at bumangon mula sa 1-5 pagkakahuli sa third set para talunin si No. 119-ranked Jana Fett, 3-6, 6-2, 7-5 papasok sa third round ng Australian Open.

“That was crazy,” sabi ni Wozniacki, dalawang beses umabante sa Grand Slam Finals at isang semifinalist noong 2011. “I don’t know how I got back into the match.

Inangkin ni Wozniacki ang sumunod na 9 points at ang una niyang match point matapos tumama sa net ang backhand ni Fett sa third set.

Nauna ng nasibak si Wozniacki sa first round ng torneo noong 2017 laban kay finalist Venus Williams, pinatalsik ni U.S. Open champion Sloane Stephens at pinagbakasyon ni No. 10-seeded CoCo Vandeweghe.

Matapos namang ta­lunin si Williams sa first round ay yumukod si Belinda Bencic kay Thai qualifier Luksika Kumkhum, 1-6, 3-6.

Ang backhand error ni Bencic, nakipagtambal kay Roger Federer para angkinin ang Hopman Cup kamakailan, ang nagbigay sa No. 124th-ranked na si Kumkhum ng tiket sa third round sa unang pagkakataon.

 Umabante rin ang 15-anyos na qualifier na si Marta Kostyuk, sumabak sa season-opening major bilang No. 521, matapos kunin ang 6-3, 7-5 panalo kay wild-card entry Olivia Rogowska.

Bilang Australian Open junior champion, nakakuha si Kostyuk ng wildcard entry sa qualifying draw.

Ang iba pang nanalo ay sina Kateryna Bondarenko laban kay No. 15-seeded Anastasia Pavlyuchenkova 6-2, 6-3 at No. 19 Magdalena Rybarikova kontra kay Kirsten Flipkens 6-4, 0-6, 6-2.

Sa men’s division, niresbakan ni Jo-Wilfried Tsonga si Denis Shapovalov 3-6, 6-3, 1-6, 7-6 (4), 7-5, samantalang binigo ni No. 6 Marin Cilic si Joao Sousa 6-1, 7-5, 6-2.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with