^

PSN Opinyon

‘Panibagong sampal sa telcos sa Pinas!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ISA na namang panghahamak ito sa kakayahan ng mga major players ng telecommunications industry sa bansa – ang Globe, Smart at PLDT.

Nagkapirmahan na kasi ang gobyerno ng Pilipinas na pinangunahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at ang higanteng kumpanya ng Facebook kamakailan. Ang proyekto, tinawag na Luzon Bypass Corridor kung saan mas mabilis, mas mura at mas accessible na internet connection ang magaganap sa Pilipinas simula sa 2018.

Wala naman kasing nangyari sa ipinagmamalaking summit  ng mga naglalakihang telcos sa bansa na magiging sagot umano sa pariwarang internet connection ng Pilipinas. Kundi ba naman kasi sa kasuwapangan ng tatlong kumpan­yang nabanggit ko sa itaas, ayaw papasukin ‘yung ibang kompanya na interesadong magbigay ng serbisyo para mapaganda ang internet connection sa Pilipinas.

Ang siste, dahil silang tatlo lang ang nagkakaintindihan at nagkukumpetensiya, kukuyakuyakoy lang ang mga dupang na ‘to sa pagbibigay ng mahal subalit walang kalidad na serbisyo. Sinampal na sila nung una sa mukha noong pagbisita ng Chinese Business Magnate na si Jack Ma. Eto panibagong hagupit sa mga mukha n’yo ang pagpasok ng kompanyang Facebook para magbigay ng maganda at de-kalidad na serbisyo.

Personal kong naranasan ang kawalan ng silbi ng isa sa mga telcos na ito. Habang ako’y nasa Hong Kong nitong Asean Summit, hindi ako makatawag o maka-text man lang sa aking mga staff sa Pilipinas kahit na naka-roaming na ang aking telepono. Mula Sabado ng gabi nang ireport ko ang nasabing problema sa customer service ng Smart, mantakin n’yong Lunes na ng gabi nang maayos ng mga hinayupak ang linya ko.

Sinong hindi mabubuwisit, sa laki ng binabayaran buwan-buwan dahil sa mahal ng singil ng linya ng mga ‘to, pero hindi magagamit nang maayos dahil sa palpak nilang teknolohiya maging serbisyo ng mga tao! Hindi lang ito ang unang beses na naranasan ko ito. Maging nitong Hulyo lamang sa United States, kaparehong problema ang nangyari.

Mabuti sa inyo na sampal-sampalin ng mga dayuhang kumpanya para magising kayo sa katotohanan. Dalawa lang naman ‘yan, aamin kayo na hindi n’yo kaya dahil kulang ang inyong kapasidad o teknolohiya – ibig sabihin walang kuwenta. O ang ikalawa, may magagawa kayo, maaaring pang umunlad at mapataas ang inyong serbisyo pero ayaw n’yo lang gawin. Sa kung ano mang kadahilanan, kaswapangan man ‘yan o kalokohan, mananagot pa rin kayo sa publikong nagbabayad nang tama para magamit ang inyong serbisyo.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with