Learning Process
Magtiwala sa sarili na ikaw ay strong at resourcesful. Kahit anong mangyari ay kailangang lampasan ang anomang problemang dumarating sa iyong buhay.
Dapat may ganitong pag-iisip ang bawat isa.
Maaaring hindi magiging maganda sa unang pagsubok, pero okey lang ‘yan. Sugod lang at tingnan kung anong makukuha sa iyong nararanasan.
Ang tawag dito ay learning process na kinakailangan ng panahon bago matuto. Hindi mawawala ang pag-aalala, anxiety, stress, at takot na baka hindi kayang malampasan ang problema. Normal lang ito dahil sa takot na ma-reject at magkamali sa desisyon.
Pero kahit ilang beses na mabigo ay kailangan paulit-ulit na bumangon.
Kapag nakararamdam na parang hindi kaya ay puwede namang magpanggap sa isipan dahil sa labas at realidad ay ganito rin ang sitwasyon. Bakit magpapatalo?!
- Latest