^

Police Metro

Preso tumalon mula sa patrol car, todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa tangkang makatakas, kamatayan ang sinapit ng isang inmate makaraan itong tumalon mula sa tumatakbong police pat­rol car na maghahatid sa kanya pabalik sa himpilan ng Naic Police Station matapos na dumalo sa inquest proceeding,  sa bayan ng Naic, Cavite nitong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng CALABARZON Police, kinilala ang nasawing detainee na si Jonas Macalnas alyas “Jojo”, nahaharap sa kasong statutory rape o paglabag sa Republic Act (RA) 7610 (Child Abuse). Sa imbestigasyon, dakong alas-5 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Palanas Bridge sa Brgy. Timalan Balsahan, Naic ng lalawigang ito habang lulan ng patrol car kasama ang kaniyang mga police escort pabalik na sa himpilan ng Naic Police Station, pagsapit sa nasabing tulay sa kahabaan ng A . Soriano Highway ay bigla na lamang tumalon ang nasabing inmate mula sa kanilang mobile patrol car.

Bumagsak sa kalsada ang inmate at saka tumalon mula sa tulay  kung saan nagtamo ito ng matinding sugat sa ulo at pagkabali ng buto .

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero idineklara na itong dead-on-arrival .

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with