^

Bansa

Matapos ang rebelasyon, Faeldon binuweltahan si Lacson

Christian Imperio - Pilipino Star Ngayon
Matapos ang rebelasyon, Faeldon binuweltahan si Lacson

Dating Bureau of Customs (BOC) chief Nicanor Faeldon pinaratangan na may ilegal na transaksyon sa kanila ang anak ni Sen. Panfilo Lacson. STAR/Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines – Bumwelta si dating Bureau of Customs (BOC) chief Nicanor Faeldon kay Sen. Panfilo Lacson matapos niyang ibunyag ang umano’y katiwaliaan sa loob ng ahesya.

Sa isang pulong balitaan sa Taytay, Rizal, sinabi ni Faeldon na sangkot sa maanomalyang mga kargamento ng semento ang anak ng senador na si Panfilo “Pampi” Lacson Jr.

Ayon kay Faeldon, ang kumpanya umano ni Lacson Jr. na “Bonjourno” ay may 67 na undervalued na kargamento ng semento bilyun-bilyon ang halaga.

BASAHIN: Pagsisiwalat ni Lacson ng katiwalian sa Customs

Paliwanag ni Faeldon, ito marahil ang naging dahilan sa likod ng pagsisiwalat ng senador.

“Ito ang kinakatakutan mo, sir. Kasi we are getting close to getting you, to exposing you,” pahayag niya.

“Ano, gusto mo ulit tumakbo na presidente? Gusto mo magpasikat at the expense of our family? You want to destroy people like me and the names of the officers in my team?” dagdag ni Faeldon.

Samantala, mariing itinanggi ni Lacson ang mga paratang ng dating commissioner.

BASAHINFaeldon ‘kinain ng sistema’ - Lacson

Ayon sa senador, dapat ay nagsampa na lamang ng kaso si Faeldon matapos niyang madiskubre ang umano’y iregularidad sa kargamento.

“First, I have nothing to do with my son's business activities; second, there is no smuggling of cement as it is not subject to customs tariff and duties but only subject to VAT, which my son said when I checked with him just now, they always pay; third, he should have filed charges against my son if he now says, he's into smuggling,” depensa ni Lacson.

“Fourth, it doesn't make sense that I will expose the shenanigans in the BOC, if my son is cheating on taxes as Faeldon is now accusing him of. The logical thing for me to do is not to make the exposé and just keep quiet,” dagdag ng senador.

Ayon sa senador, isa umano si Faeldon sa mga tiwali sa loob ng ahesiya at pinaratangan na tumanggap pa umano ng P100 M pagkaupo niya sa Customs nitong nakaraang taon.

Dagdag pa ni Lacson na kinain na umano ng sistema si Faeldon kaya patuloy na lumaganap ang katiwalian sa loob ng BOC imbes na masugpo ito.

“Commissioner Faeldon should have started the cleansing in the bureau by eliminating what’s been corrupting the agency for so long – the tara system,” wika ng senador.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with