^

PM Sports

Chris Paul bumanat para sa Clippers

Pang-masa

PHOENIX -- Binanderahan ni guard Chris Paul ang Los Angeles Clippers sa dulo ng fourth quarter para talunin ang Suns, 124-118 dito sa Talking Stick Resort Arena.

Naghulog ang Clippers ng 14-2 bomba sa dulo ng second quarter para kunin ang halftime, 67-59 patungo sa pagtatala ng 12-point lead sa third period.

Ngunit nakalapit ang Suns sa 92-93 agwat sa fourth canto matapos magpakawala ng 15-4 ratsada.

Matapos makatabla ang Phoenix sa 102-102 ay nagsimula nang pamunuan ni Paul ang Los Angeles kung saan kumolekta siya ng anim na puntos sa 9-2 ratsada para muling makalayo sa 111-104.

Muling nakadikit ang Suns sa 112-114 agwat bago isinalpak ni Paul ang dalawang free throws kasunod ang dalawang assists kay Blake Griffin para sa 122-116 bentahe ng Clippers sa huling 1:44 minuto.

Nagtala si Griffin ng 31 points para pamunuan ang ikalawang sunod na panalo ng Clippers (46-31) at makadikit sa fourth seed na Utah Jazz sa West.

Nagdagdag si Paul ng double-double sa kanyang 29 markers at 10 assists habang may 19 markers si Jamal Crawford mula sa bench.

Kumamada naman si Devin Booker ng 33 points sa panig ng Phoenix (22-54) na nalasap ang ika-10 sunod na kamalasan.

Sa Chicago, si Nikola Mirotic ang unang bumandera sa Bulls habang si Jimmy Butler ang nagbigay ng mahahalagang puntos sa huli para talunin ang Cleveland Cavaliers, 99-93.

Umiskor si Mirotic ng season high na 28 points para sa ikalawang dikit na panalo ng Chicago, isang panalo ang agwat sa Indiana Pacers at Miami Heat na magkatabla para sa 7th spot sa East.

Nagdagdag si Butler ng 25 markers, habang humakot si Robin Lopez ng 10 points at 11 rebounds at naglista si Rondo ng 7 points, 15 assists at 9 rebounds.

Ipinalasap ng Chicago ang ikatlong sunod na pagkatalo ng Cleveland.

Pinamunuan naman ni LeBron James ang Cleveland sa kanyang 26 points para lampasan si Shaquille O’Neal sa seventh place sa NBA all-time leaders for points.

Nag-ambag si Irving ng 20 points para sa Cavs (47-27).

vuukle comment

CHRIS PAUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with