^

Punto Mo

Korean kidnap-slay dito, noon pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nakatakda nang busisiin ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang sinasabing pagkakasangkot  ng ‘Korean mafia” sa kaso nang pagdukot at pagpatay sa Koreano na si Jee Ick Joo.

Naging kontrobersiya ang kasong ito na ngayon nga ay nasasangkot dito ang ilang tauhan ng pulisya at ang pinakahuli ay may dawit na rin umanong mga tauhan ng NBI.

Sa pinakahuling ulat, sinisilip na nga rin ang pagkakadawit sa isang grupo ng mga Koreano na posibleng may kinalaman sa insidente.

Kung tutuusin, ngayon lamang nabigyan nang hustong pansin ang pagkapaslang sa isang Koreano sa bansa, bagama’t sa  mga nakalipas na taon ilan na rin ang kahalintulad ng ganitong kaso.

Taong 2014, dalawang bangkay ng Koreano ang nahukay na ng mga tauhan ng pulisya sa Tay-tay,  Rizal. Nakilala ang mga ito na sina Hong Shok Dong at Kim Yeong Yuel.

Nauna nang iniulat na nawawala ang dalawang biktima tatlong taon matapos na madiskubre ang mga kalansay ng mga ito na  ibinaon nga sa loob ng isang bahay sa isang subdivision sa Taytay.

Ayon sa Anti Kidnapping Group natuklasan ang paglilibing sa dalawa matapos na umamin ang isa ring Koreano na si Kim Wong Bin na nahuli sa Korea kung saan ikinanta nito ang nagawang krimen sa Pinas.

Nabunyag pa na kaya pinatay ang biktima ay dahil sa kulang ang ibinigay na ransom ng mga ito.

Kung pag-aaralan, sa ganitong mga pagdukot sa mga Koreano, kadalasang may mga kasangkot kundi man ay utak sa pagdukot ay kapwa rin nila Koreano.

Pero, ang mga Koreano na ito ay hindi naman makakagalaw ng sila-sila lamang at kung sa Pinas isasagawa ang krimen

siyempre ay kasabwat itong mga Pinoy. Hindi rin maglalakas loob ang mga ito kung walang malaking proteksyon.

Dahil nga sa insidenteng ito kaya naitayo ng PNP-CIDG ang  Korean desk.

Base sa nakalipas na rekord, umaabot sa isang milyong mga Koreano ang nagtutungo sa bansa taun-taon para mag-aral 

at magnegosyo.

Sa insidenteng pagkamatay ni Jee dapat marahil ang mas malaliman pang imbestigasyon . Hindi lang sa kaso ni Jee 

kundi maging sa iba pang insidente ng pagdukot at pagpatay sa iba pang Koreano sa nakalipas na taon na ibig

lang sabihin nito baka matagal na ang modus ng sindikato o mafia na ito na kinasasangkutan ng ilang tiwaling mga

awtoridad at mismong ilan ding Koreano.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with