Westbrook itinakas ang Thunder
UTAH -- Isinalpak ni Russell Westbrook ang game-winning jumper para tulungan ang Oklahoma City Thunder na makatakas kontra sa Jazz, 97-95.
Itinala ni Westbrook ang kanyang ika-22 triple-double ngayong season sa tinapos na 38 points, 10 rebounds at 10 assists.
Nagdagdag naman si Victor Oladipo ng 18 markers kasunod ang 14 points ni Enes Kanter para pigilin ng Thunder ang two-game losing slump.
Tinapos ng Oklaho-ma City ang six-game winning streak ng Utah.
Tabla ang laro sa 95-95 nang kumonekta si Westbrook ng 20-footer sa natitirang 1.4 segundo.
Matapos ang timeout ng Jazz ay naimintis naman ni Alec Burks ang kanyang three-point attempt sa pagtunog ng final buzzer.
Kinuha ng Oklahoma City ang 56-53 abante sa halftime ngu-nit umiskor lamang ng 11 points sa kabuuan ng third quarter kung saan inagaw ng Utah ang 72-67 kalamangan.
Pinamunuan ni Gordon Hayward ang Jazz sa kanyang 17 points kasunod ang 13 at 12 markers nina Burks at Rudy Gobert, ayon sa pagkakasunod.
Sa Miami, nalampa-san ng Heat ang paghahabol ng Golden State Warriors sa fourth pe-riod para itakbo ang 105-102 panalo.
Binanderahan ni ve-teran guard Dion Wai-ters ang pang-apat na sunod na panalo Miami sa kanyang 33 points at tinapos ang seven-game winning run ng Golden State.
Binanderahan ni Ke-vin Durant ang Warriors mula sa kanyang 27 points kasunod ang 22 at 21 markers nina Klay Thompson at Stephen Curry, ayon sa pagkakasunod.
Sa Milwaukee, humakot si center Giannis Antetokounmpo ng 31 points, 7 rebounds at 4 blocks para akayin ang Bucks sa 127-114 laban sa Houston Rockets.
Winakasan ng Milwaukee ang kanilang five-game losing skid.
Naglista naman si James Harden ng 26 points, 12 assists at 9 rebounds para sa Houston.
- Latest