^

Pang Movies

Mother Lily ‘di dapat bastusin, malaki ang tulong sa industriya ng pelikula

BISAYA HOROSCOPE - Ed de Leon - Pang-masa
Mother Lily ‘di dapat bastusin, malaki ang tulong sa industriya ng pelikula
Mother Lily Monteverde

Sa palagay lang namin, kung may nasabi man si Mother Lily Monteverde na ikinasama ng loob ng ilang gumagawa ng indie films, hindi ito sapat na dahilan para siya ay sagutin ng kabastusan kahit sa social media. Ni hindi namin kilala si Mercedes Cabral, pero malamang lumalabas nga sa mga pelikulang indie kaya ganoon na lang ang galit sa sinabi ni Mother na sa opinion niya ay hindi bagay ang mga pelikulang indie sa Christmas playdate.

Ang sinabi ni Mother Lily ay opinion niya. Iyon ang personal niyang paniniwala. Hindi naman siya nag-iisa sa paniniwalang iyon.
Kaya para bastusin mo ang isang tao ng ganoon dahil sa paniniwala niya, aba eh hindi maganda iyon. Kaya hindi na dapat patulan ni Mother ang ganyan.

Una, ano ba ang nagawa ni Mother para sa industriya? Hindi natin maikakaila na isa siya sa mga malalaking producers na nagsisikap hanggang ngayon na maibangon ang industriya. Ang ibang sinasabing big companies noong araw, nawala na kundi man ay nag-iba na ng linya. Pero si Mother Lily na umaamin naman kasing isang movie fan ay patuloy na nagsisikap na ibangon ang industriya.

Gumawa rin naman siya ng mga pelikulang hindi matatawaran ang kalidad.

Sa kabila ng slump sa industriya, nagpa­patuloy ang Regal sa paggawa ng pelikula para magkaroon ng hanapbuhay ang mga artistang walang ginagawa at mabigyan din ng pagkakakitaan ang ibang mga manggagawa sa industriya. Dahil sa ipinakikita niyang malasakit sa industriya, mukhang wala sa ayos na sino man sa industriya ay bastusin siya.

Goma hindi iuurong ang demanda sa mga pulis

Lumabas na ang katotohanan sa senado mismo, nang sabihin ng drug lord na si Kerwin Espinosa na walang kinalaman ang actor at mayor na si Richard Gomez sa droga.

Sabi nga ni Goma pagkatapos, maliwanag din naman ang sinabi ni Espinosa na ang mga “amo” ng pulis na nagbintang sa kanyang kasangkot sa droga ay ang mga kalaban niya sa pulitika.

In the first place, wala namang naniwala talaga na involved sa droga si Goma kahit na ganoon pa ang sinabi ng mga pulis na iyon tungkol sa kanya.

Kung iisipin mo rin, sa mga nangyayaring ganyan, magkakaroon ka rin ng duda sa sinasabi ng pulisya, kaya nga naiyak pa si General Bato dela Rosa nang sabihin sa kanyang wala nang mapagtitiwalaan sa mga pulis kung hindi siya. Kung kami naman ang tatanungin, may mga pulis na mabubuti. Pero hindi nga maikakaila na marami na ang mga scalawags sa ating pulisya, at kailangang linisin bago pa man taasan ang suweldo nila.

Marami ang natuwa nang finally, iyong sinasabi nilang nagbigay ng pera kay Goma ay nagsabi mismong hindi niya kakilala ang actor. May iniharap namang kasong administratibo si Goma laban sa mga pulis na iyon sa NAPOLCOM, at magsasampa rin daw siya ng kaso sa korte.

MOTHER LILY MONTEVERDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with