F2, Cignal mag-uunahan sa panalo
MANILA, Philippines – Maglalaro sa unang pagkakataon ang Cignal sa pagbabalik-aksyon ng 2016 Philippine Superliga Grand Prix sa San Juan Arena ngayong hapon.
Makakalaban ng Cignal ang reigning All-Fili-pino Conference champions na F2 Logistics sa ganap na alas-5 ng hapon.
Masusubukan ang bagong line-up ng HD Spi-kers laban sa Cargo Movers na hinahanap pa rin ang kanilang unang panalo sa PSL Grand Prix.
Kasabay ng pagkuha nila sa kanilang mga imports na sina Lynda Morales at Laura Schaudt ay ang pagdating din ng mga bagong locals na inaa-sahang magpapalakas sa Cignal.
Ito ay sina Fil-Am Shawna Lei-Santos, Mylene Paat, Lourdes Patillano, Janine Marciano, ang da-ting Cargo Mover na si Stephanie Mercado at ang unang MVP ng Superliga na si Venus Bernal na makakasama nina team captain Michelle Laborte, Cherry Mae Vivas at libero Jheck Dionela.
Maglalaro rin sa unang pagkakataon sa panig ng F2 Logistics ang isa pa nilang import na si Hayley Spelman para tulungan ang kapwa import na si Sydney Kemper, Cha Cruz, Aby Maraño, Kim Dy, Dawn Macandili, Mika Reyes at ace setter Kim Fajardo na tapatan ang HD Spikers.
Samantala sa iba pang laro, makakaharap ng defending champions na Foton ang Generika sa ganap na alas-3 ng hapon, habang makakatunggali ng Petron ang RC Cola-Army sa alas-7 ng gabi.
Nais sundan ng Tornadoes ang kanilang unang panalo laban sa F2 Logistics sa unang araw ng Grand Prix sa pangunguna nina Lyndsay Stalzer, Ariel Usher, Jaja Santiago, Maika Ortiz, Cherry Rondina at Rhea Dimaculangan na haharapin nina Polina Liutikova, Darlene Ramdin, Gen Casugod, Chloe Cortez, Ria Meneses, Shaya Adorador at Rubie De Leon na hangad namang masungkit ang unang panalo sa tatlong laban para sa Lifesavers.
Puntirya naman ng Tri-Activ Spikers ang maagang 3-0 pagkakauna sa kanilang pagsagupa sa be-teranang line-up ng Lady Troopers. FMLumba
- Latest