Dingdong alam na ang isasagot sa pangongopya raw ng kanyang serye!
Ngayong hapon ang grand presscon ng Alyas Robinhood, ang primetime teleserye ng GMA 7 na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.
Naging kontrobersyal ang Alyas Robinhood ilang linggo bago idinaos ang presscon nito dahil sa bintang na ginaya ng Kapuso Network ang isang American television series na Arrow.
I’m sure, ang tungkol sa lumang isyu ng panggagaya kuno ang uusisain kay Dingdong ng invited press.
Alam na alam ni Dingdong ang isasagot dahil sa totoo lang, hindi naman siya affected. Mas apektado pa nga ang detractors ng Alyas Robinhood at ng GMA 7.
Actually, nakatulong pa ang kontrobersya sa pagsisimula ng Alyas Robinhood sa September 19.
Pinoy movies biktima rin ng panggagaya sa ibang bansa
To be fair, ginagaya rin sa ibang bansa ang Pinoy movies at mga teleserye.
Kopyang-kopya ng isang Korean film ang kuwento at mga eksena ng Scorpio Nights, ang controversial movie ni Peque Gallaga.
Ginawa ni Peque ang pelikula na pinagbidahan nina Anna Marie Gutierrez, Orestes Ojeda at Daniel Fernando noong 1985.
Summertime ang title ng Korean movie na ipinalabas noong 2001 at hindi itinanggi ng producer ng pelikula na remake ‘yon ng Scorpio Nights.
May narinig ba tayo na pagpoprotesta ng mga Pilipino? Wiz! Natuwa pa nga sila at proud dahil kinopya ng mga Koreano ang isang Pinoy movie kaya nakakapagtaka na overacting ang mga pagtataray at pagkukumpara nila sa Alyas Robinhood at Arrow.
Mapagpanggap
Pinoy na mahilig sa American TV series mga walang US visa!
Pinararatangan ang GMA 7 na ginaya nito ang mga eksena ng Encantadia sa Game of Thrones.
Teka muna, bago pa nagkaroon ng Game of Thrones, may Encantadia na ‘no!
Baka ang mga creator pa nga ng Game of Thrones ang nangopya sa Encantadia na ipinalabas sa TV noong 2005 dahil umere ang Game of Thrones noong 2011.
Nakakalokang isipin na mga kapwa Pilipino pa ang nagkakalat ng tsismis na ginaya ng Encantadia ang Game of Thrones.
May reason talaga para maimbyerna si President Rodrigo Duterte dahil malinaw na malinaw na pro-American ang ibang mga mapagpanggap na Pinoy dahil mas tinatangkilik nila ang American television series kesa sa sariling mga programa.
Kung puro batikos ang ginagawa ng mga pasosyal na Pilipino sa sariling lahi, wala nang reason para manirahan sila sa Pilipinas. Grabe kung makapagtaray ang ilan sa kanila pero wala naman silang mga US visa! Hmp!!!
Mikee dapat magbawas ng timbang
Mikee Quintos ang name ng baguhang aktres na gumanap sa role noon ni Jennylyn Mercado sa Encantadia.
May nakapagsabi sa akin na anak ng isang Manila councilor si Mikee.
Pasado na ang akting ni Mikee sa Encantadia kaya ang weight problem na lang ang dapat na pagtuunan niya ng pansin. It’s a must na magbawas si Mikee ng timbang dahil chubby siya sa mga eksena niya sa telefantasya ng Kapuso Network.
Si Mikee ang karagdagan sa listahan ng mga artista na Mikee ang screen name dahil nauna na sa kanya sina Mikee Cojuangco, Mikee Villanueva at Mikey Arroyo na sandali lang ang itinagal ng mga showbiz career.
- Latest