^

PM Sports

Red Cubs naagaw ang pamumuno sa Arellano Braves

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inungusan ng defending champion San Beda College ang Mapua, 89-84 habang sinilat naman ang  Arellano University ng Lyceum of the Philippines,77-66, kahapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 92 juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Muling sinandigan ng Red Cubs ang kanilang balanseng opensa sa pamumuno ni Robi Nayve na tumapos na may 14 puntos upang makaangat sa top spot hawak ang 13-1 panalo-talo habang nalaglag ang Braves sa ikalawang puwesto bunga ng lkanilang 13-2 win-loss record.

Napag-iwanan pa ang San Beda sa unang tatlong  quarters bago sinapawan ang Mapua, 21-13, sa final canto upang maagaw ang panalo.

Nagtala sina Prince Etrata, Mark Lagumen, Evan Nelle, Germy Mahinay at Joshua Tagala ng  11, 11, 11, 10 at 10 puntos ayon sa pagkakasunud para sa Red Cubs.

Bumagsak naman ang Red Robins sa ikatlong pagkabigo sa loob ng 14 laro.

“We just want to be in the top two because of the twice-to-beat incentive. But its also good to be at No. 1,” ani San Beda coach JB Sison.

Pinangunahan ang Junior Pirates ni  Jun Jun Cecilio na nagtala ng personal best na 31 puntos,  22 dito ay isinalansan niya sa second half upang makamit ang ikalimang panalo kontra sa kanilang pitong talo.

Nauna rito, nagwagi ang St. Benilde-La Salle Greenhills laban sa Jose Rizal University, 72-51, para sumalo sa ikatlong puwesto sa Mapua sa kanilang magkatulad na 11-3 baraha. (FML)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with