^

PSN Palaro

Matitikas na jins sisipa sa Best of the Best taekwondo tilt

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Papagitna ang mga gold medal winners sa national at major taekwondo events sa buong bansa sa 2016 SMART/MVP Sports Foundation Best of the Best championships sa Sept. 4 sa SM Mall of Asia.

 Tanging ang mga kampeon lamang sa national regional tournaments, kasama ang ARMM, CAR, CARAGA at NCR kasama ang UAAP, NCAA, AFP-PNP Olympics, lahat ng PTA (Philippine Taekwondo Association) competitions sa Metro Manila at blackbelt organizations kagaya ng Taekwondo Blackbelt Brotherhood, Taekwondo Blackbelt Sorority at Philippine Taekwondo Contingent ang maaaring lumahok, ayon kay tournament director Jesus Morales III.

Ang kompetisyon ay limitado sa apat na dibisyon.

Ito ay ang kyorugi (free sparring – senior at junior (male and female) – at free style poomsae (FSP).

Layunin ng FSP na ipakita ang mataas na antas ng taekwondo foot techniques kagaya ng jumping yopchagi, 720” spinning kick at pagsipa na may acrobatic actions. 

Itatampok din ang pagsasama-sama ng mga taek­wondo techniques kasabay ng music at choreography.

Gagamitin sa torneo ang PSS (Protective Scoring System), ESS (Electronic Scoring System), electronic armors at socks kasama ang IVR (Instant Video Replay) para mawala ang human error at matiyak ang tuwid, pantay na pag-iskor at spectator-friendly matches.

Si SMART Communication at PLDT chairman Manny V. Pangilinan ang nasa likod ng premier event ng PTA. 

Siya ang kinikilalang patron ng Philippine taekwondo at sa mga top at bagitong jins sa loob ng isang dekada.

Ang PLDT, Meralco at TV5 ang mga sponsors ng day-long competition.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with