Unang ginto sa Rio Games kinuha ng American teener
RIO DE JANEIRO - Inangkin ni American teenager Virginia Thrasher ang unang gold medal sa Rio 2016 Olympic Games matapos talunin ang dalawang Chinese Olympic champions sa women’s 10m air rifle event.
Binigo ng 19-anyos na U.S. college champion si Chinese Du Li, ang gold medalist sa Athens noong 2004, para sa kanyang Olympic-record score na 208 sa bagong finals format.
Nakuntento naman sa bronze medal ang dating Olympic champion na si Yi Siling.
Naglalaro sa kanyang unang Olympics, ibinigay kay Thrasher ang kanyang gold medal ni International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach bilang unang Rio Olympic gold medal winner.
Ang pinakabata sa walong finalists, nagtayo ng kalamangan si Thrasher laban kay Russian shooter Daria Vdovina, tumapos sa pang-lima.
“About halfway through when I took the lead it kind of became clear to me that I was in contention for a medal, but I quickly pushed that thought away and focused on breathing and taking one shot at a time,” kuwento ni Thrasher sa kanyang inisip sa gitna ng laban.
- Latest