Nilulutong anomalya sa DND nabuko
MANILA, Philippines – Agad na ibinulgar ni Rhodora Alvarez ang niluluto umanong anomalya sa Department of National Defense (DND) na may kinalaman sa supply contract para sa military drones.
Ayon kay Alvarez na nauna nang nagsampa ng kaso ilang top officials ng DND hinggil sa helicopter scam na may sindikato umano sa loob ng departamento na nagsasayang lang ng pera ng bayan sa mga walang kwentang gawain ng mga walang pusong tao sa loob ng sistema at naniniwala na hindi masasayang ang kanyang sakripisyo para magbunyag ng mga anomalya sa gobyerno.
Sinabi nito na susulatan niya si Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang iisa-isahin kung papaano niluluto ang mga maanomalyang transaksiyon sa ahensiya mula sa pre-qualification bidding hanggang sa actual contract awards.
Ani Alvarez, sa kanyang isinagawang random check sa Philippine Government Electronic Procurement System (Philgeps) website, nakita niyang kuwestyunable ang posting noong July 29, 2016, Biyernes, hinggil sa Invitation to Bid(ITB) na may reference number 3971300 at Solicitation # 04213531 mula sa DND nagpapa-bid sa Marine Forces Imagery and Targeting Support System (MITSS) Acquisition Project na may approved budget na P684,230,000.00.
Ang Pre-bid conference ay dapat isinagawa noong Agosto 1, 2016, alas-10 a.m. sa DND-BAC at ang nakapagtataka nakalagay sa “Other Information “ na tapos na ang bidding at compliance na lang ito na ipinost ng isang Amelia M.Garrero, Executive Assistant ng DND BAC Secretariat.
- Latest