Motorista binalaan sa paggamit gadgets habang nagmamaneho
MANILA, Philippines – Sa pagputok ng Pokemon Go sa Pilipinas ay agad na nagbabala ang pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na may batas na nagbabawal silang maglaro ng gadgets habang nagmamaneho.
Ang “Pokemon Go” na isang interactive cybergame ay layong manghuli ng mga “Poke monsters” kahit saang lugar kabilang sa mga kalsada.
Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, paglabag sa “Distracted Driving Act” ang paglalaro ng Pokemon Go habang nagmamaneho at may katumbas na multa hanggang P15,000.
Bukod sa paglalaro, kabilang rin dito ang pagti-text o pagtawag at pagtanggap ng tawag habang nagmamaneho.
Nagbabala rin ang MMDA na hindi papapasukin sa MMDA Building sa Orense Street, Makati City ang sinuman na naghahanap ng mahuhuling Pokemon makaraang mabatid na naitalaga sa naturang laro ang gusali na “Wallflowers Pokemon Gym”.
Huhulihin din ng kanilang mga guwardiya ang mga aali-aligid sa gusali lalo na kung gabi para manghuli ng Pokemon.
- Latest