Baril ng Quiapo road rage suspect nakuha sa Nueva Vizcaya
MANILA, Philippines – Narekober ng mga awtoridad ang hinihinalang baril na ginamit ng suspek sa pamamaril ng isang siklista sa Quiapo, Maynila.
Ayon kay Police Chief Inspector Jonathan Videz, nakuha nila ang baril ng suspek na si Vhon Tanto sa bayaw niyang si Jonathan Leano na residente ng Barangay Kirang, Aritao, Nueva Vizcaya.
Ibinigay umano ni Tanto kay Leano ang baril isang araw matapos ang pamamaslang sa siklistang si Mark Vincent Garalde nitong Hulyo 25.
"He did not know that the gun was used in the murder. We were informed by Western Police District (Manila Police District) after Tanto’s arrest in Masbate that his brother-in-law is in possession of his gun after handing it over to him," wika ni Videz.
Dagdag ni Videz na hindi pa umuuwi si Leano sa kanilang bahay mula nang i-turnover ang baril.
Dinala na sa Maynila ang Norinco High Capacity cal .45 pistol para sa imbestigasyon.
Nakuhaan sa closed circuit television camera ang suntukan nina Tanto at Garalde hanggang nauwi ito sa pamamaril.
Nadamay naman ang isang 18-anyos na si Rocel Bondoc matapos tamaan din ng pamamaril ng suspek.
Hawak na ng mga awtoridad si Tanto matapos masakote nitong Biyernes.
- Latest