Nationwide 911 emergency hotline, 8888 complaint desk bukas na
MANILA, Philippines – Patuloy na pinadarama ng gobyerno ang pag-abot ng kanilang serbisyo sa publiko sa pagbubukas ng dalawang hotline ngayong Lunes.
Simula ngayon ay maaaring tumawag ang publiko sa 911 emergency hotline kung nangangailangan ng agarang tulong, habang ang 8888 complaint desk naman ay sumbungan at maaari ring mag reklamo sa kaugnay ng katiwalian at iba pa.
Sinabi ni Telecommunications Commissioner Gamaliel Cordoba na sa 911 didiretso ang mga tawag sa dating Patrol 117 habang ginagawa pa ang command center.
Bukas ang mga hotline 24 oras, kung saan ang mga reklamo sa 8888 ay ipararating sa iba’t ibang ahensyang may kinalaman dito.
Nagkasama sina Philippine National Police Director Ronald "Bato" Dela Rosa at ang kaniyang mascot sa pagbubukas ng 911 emergency hotline at 8888 complaint desk.
Ang mga subscriber ng PLDT, Smart at ePLDT ay maaaring makatawag ng libre, habang P5 kada tawag naman ang singil ng Globe.
Nanawagan naman si Interior Secretary Ismael Sueño na iwasan ang mag-prank call at gamitin lamang ang mga hotline sa nararapat na dahilan.
- Latest