^

Punto Mo

Carabao Man (83)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAYA-MAYA pa, inayos na ang bangkay ni Maryanne. Binalot na ito ng puting kumot. Dadalhin na ito sa morgue.

Hindi malaman ni JP ang gagawin. Kailangang maawtopsiya ang bangkay ni Maryanne. Malakas ang kutob niya na may foul play sa pagkamatay ni Maryanne.

Kinausap niya ang attending doctor ni Maryanne kung puwedeng isailalim sa awtopsiya ang bangkay nito. Puwede raw pero dapat kailangan ang police report saka pa lamang isasailalim sa pagsusuri.

“Gusto ko pong maawtopsiya si Maryanne. Duda po ako sa pagkamatay niya.’’

“Okey gawin mo ang mga sinabi ko. Kailangang ang police report o ang SOCO.’’

“Opo dok.’’

Umalis si JP. Kaila-ngang malaman ni Boy George ang nangyari kay Maryanne. Artista niya si Maryanne kaya kaila-ngang magkatulong sila para maipaawtopsiya ang bangkay nito.

Sinabi niya kay Boy George ang lahat.

“Palagay ko may foul play sa pagkamatay ni Maryanne.’’

“Paano mo natiyak?”

“May grasa ang boots niya. Nadulas siya!’’

“Ano yan haka-haka?’’

“Hindi! Nakita ko mismo, Boy George.’’

“Gusto mo bang sabihin, pinatay si Maryanne?’’

“Kasi nga, may grasa ang boots. Paano nagkagrasa ang boots niya.’’

“So paano ang gusto mo. Anong gusto mo?’’

“Ipaawtopsiya siya.’’

Napaangat ang kilay ni Boy George.

“Bakit pa?’’ (Itutuloy)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with