Pagtaas sa sahod ng pulis, sundalo ikinasa sa Kamara
MANILA, Philippines – Ikinasa na rin sa Kamara de Representantes ang panukala para doblehin ang suweldo ng mga pulis at sundalo.
Ito ay matapos ihain ni Pampanga Rep.Gloria Macapagal-Arroyo ang House Bill 304.
Kasunod na rin ito nang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na dodoblehin nito ang sahod ng mga sundalo at pulis.
Nakasaad sa panukala, na ipinauubaya na sa Department of Budget and Management (DBM) ang schedule ng adjustment para madoble ang take home pay ng mga pulis at sundalo.
Layon pa ng panukala ni Arroyo na maipatupad ang dagdag sahod ng mga pulis at sundalo ng staggered sa loob ng limang taon.
Inaatasan naman dito ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Police Commission na maglatag ng reporma.
Ang nasabing reporma ay tungkol sa sistema ng selection, hiring, appointment, transfer, promotion at dismissal ng kanilang mga tauhan.
- Latest