^

Bansa

Malacanang nanawagan na magtulungan sa pagbubukas ng klase

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon ang isang opisyal ng Malacanang sa publiko na magkaisa at magtulungan upang maging maayos ang pagbubukas ng klase sa Lunes, June 13.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., dapat pairalin ang diwa ng bayanihan para maging maaliwalas, tahimik, at maayos ang pagbubukas ng klase lalo na sa mga pampulikong paaralan.

“Nananawagan tayo sa ating mga kababayan na pairalin natin ang diwa ng bayanihan. Magkapit-bisig at magtulungan tayo para tiyakin ang maayos, tahimik at maaliwalas na pagbubukas ng school year 2016-2017 sa darating na Lunes,” ani Coloma.

Inihalimbawa ni Coloma ang ulat ng Philippine Information Agency tungkol sa ginagawang paghahanda sa Cordillera Administrative Region (CAR) na  sumasailalim aniya sa sitwasyon sa lahat ng rehiyon sa bansa.

“Ito, yung sa CAR kasi, ito yung sabi ko nga sinasalamin nito yung ginagawa sa buong bansa sa lahat ng rehiyon. Ang layunin ay tiyakin na ang mga mag-aaral nakapagpalista na, already enrolled at ready to attend school doon sa unang araw ng klase at sa buong bansa, naglunsad ang ating DepEd ng ‘Oplan Balik Eskwela’. Ito yung kasunod ng ‘Brigada Eskwela’ na isinagawa nila para ihanda yung mga pasilidad ng mga public schools,” ani Coloma.

Sinabi pa ni Coloma na katuwang rin ng DepEd ang iba pang ahensiya ng gobyerno katulad ng Department of Public Works and Highways na tumitiyak sa pagkumpleto ng mga school buildings.

Maging ang Department of Trade and Industry aniya ay naging katuwang din ng DepEd dahil ito ang tumtingin sa presyo ng mga school supplies.

vuukle comment

HOT SPRING

YELLOWSTONE NATIONAL PARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with