^

PM Sports

Elasto Painters, Texters nakalapit sa semifinals

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kapwa sumandal ang Rain or Shine at nagdedepen­sang Talk ‘N Text sa kanilang mga local player para ku­­nin ang 1-0 kalamangan sa mga best-of-three quarterfinals series nila.

Isinalpak ni Jeff Chan ang isang technical free throw kasunod ang kanyang stepback jumper sa hu­ling 3.1 segundo para akayin ang Elasto Painters sa 88-84 panalo kontra sa Ginebra Gin Kings sa Game One ng kanilang quarterfinals showdown sa 2016 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pa­say City.

Tumapos si Chan na may 15 points sa ilalim ng 17 markers ni JR Quiñahan, habang may 12 si import Pierre Henderson-Niles para sa Rain or Shine, nakaba­ngon mula sa 19-point deficit sa first period.

Nagposte naman si No. 2 overall pick Troy Rosario ng career-high na 31 points na tinampukan ng pitong three-pointers para tulungan ang Tropang Texters sa 106-99 paggupo sa Alaska Aces sa unang laro.

Kumolekta si import David Simon ng 24 points at 14 rebounds para sa Tropang Texters, habang nagdagdag sina Jayson Castro at Ranidel De Ocampo ng 17 at 13 markers, ayon sa pagkakasunod.

“You just can’t discount Alaska. Hindi ka makaka­relaks,” sabi ni Talk ‘N Text coach Jong Uichico. “But Troy made big shots in the end.”

Maaaring angkinin ng Tropang Texters ang isang se­mifinals berth kung muling mananalo sa Aces sa Game Two bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Pinamunuan ni Calvin Abueva ang pagbangon ng Alaska mula sa 15-point deficit, 42-57, sa second quarter para makadikit sa 91-94 agwat sa fourth period hanggang maagaw ang unahan sa 97-96 mula sa basket ni Best Import Rob Dozier.

Ngunit isang 10-2 atake ang ginawa ng Talk ‘N Text para selyuhan ang kanilang panalo.

Tumapos si Dozier na may 22 points kasunod ang 18 ni Abueva, 11 ni Ping Eximiniano at 10 ni Chris Banchero.

TALK ‘N TEXT 106 - Rosario 31, Simon 24, Castro 17, De Ocampo 13, Ababou 6, Williams 5, Ganuelas-Ros­ser 4, Tautuaa 4, Carey 2, Fonacier 0, R Reyes 0, J Reyes 0.

Alaska 99 - Dozier 22, Abueva 18, Eximiniano 11, Ban­chero 10, Thoss 8, Jazul 7, Manuel 6, Baclao 4, Honti­ve­ros 4, Dela Cruz 3, Menk 3, Dela Rosa 2, Baguio 1.

Quarterscores: 27-27; 57-44; 81-72; 106-99.

RAIN OR SHINE 88 - Quiñahan 17, Chan 15, Hen­der­son-Niles 12, Ponferrada 8, Tiu 8, Ahanmisi 6, Norwood 6, Lee 3, Almazan 2, Trollano 2, Belga 0, Ibañes 0.

Ginebra 84 - Tenorio 20, Aguilar 13, Jeffers 12, Ca­guioa 10, Slaughter 10, Devance 7, Mercado 5, Ellis 4, Marcelo 3, Thompson 0.

Quarterscores: 12-27; 40-41; 70-70; 88-84.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with