^

PSN Opinyon

Sa korte na lang malalaman

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MULING nagpatuloy ang pagdinig sa Senado sa $81 mil­yon  money laundering case. At sa simula ng sesyon, napansin na wala si Michael “Concon” Bautista, at ang messenger ng Philrem na si Mark Palmares na noong isang linggo pang inaanyayahang dumalo sa Senado para magbigay linaw sa kasalukuyang kaso. Pagdating ni Salud Bautista, ipinaliwanag na inasikaso na muna niya ang kanyang asawang si Concon Bautista, dahil naospital umano. Matindi raw ang sakit ng tiyan. Hindi rin daw makapunta si Palmares dahil may sakit pa rin daw, na siya ring dahilan kung bakit hindi nakadalo noong nakaraang linggo. Dito na nagsalita si Sen. TG Guingona na chairman ng Senate Blue Ribbon Committee. Tinanong kung masakit din daw ang tiyan ni Palmares. Kaya daw hindi naglabas ng subpoena para kay Palmares ay dahil nangako naman sina Bautista na dadalo noong Martes. Tila hindi na nga nabebenta ang dahilan na maysakit, kaya subpoena na ang haharapin ni Palmares sa susunod na hearing.

Dagdag pa ni Sen. Guingona, “consistently incon­sistent”daw si Salud Bautista sa kanyang mga pahayag sa limang pagdinig sa Senado. Dahil may mga rekord ng lahat ng hearing, binasa ang tila hindi magkatugma-tugma na mga pahayag. Nasa Senado rin si BIR Commissioner Kim Henares, at ayon sa kanya, hindi daw rehistrado ang Philrem bilang remittance company. At noong inamyendahan ang estado ng kanilang kumpanya, hindi naman inirehistro ng tama. Kaya lumabas na mali ang mga buwis na ibinabayad nila sa BIR. Pinansin din na ang resibong ginamit sa pagbigay umano ng malalaking halagang pera kay Weikang Xu ay hindi sang-ayon sa mga patakaran ng BIR. Kaya pati sa BIR ay kailangan na rin nilang magpaliwanag. Ang Philrem nga ang naging sentro ng mga tanong ng mga senador noong Martes. 

May hearing muli sa susunod na Martes. Kung dadalo sina Concon Bautista at Mark Palmares ay hindi pa matiyak, pati na rin ang pinatawag na accountant ng Philrem, sino man iyon, para ipaliwanag ang lahat na binigay na numero sa Senado. Mismong si Salud Bautista ay hindi masiguro na may sasama sa kanyang accountant dahil matatakot daw. Kay pinapili siya kung papupuntahin, o aarestuhin.

Sa bawat pagdinig sa Senado, tila nadadagdagan ang problema ng Philrem. Marami na silang kailangan ipaliwanag, pati na rin sa BIR. Ang susunod na hearing siguro ang magiging huli, dahil lumalabas na ang mga kahinaan ng sistema ng bangko, partikular ang RCBC at ng AMLC, para mapigilan ang paglabas o paglipat ng mga kahina-hinalang halaga ng pera. May mga mungkahi nang inilabas para mabago at maging mas malakas at epektibo ang sistema para labanan ang money laundering. Kung may mga kasong isinampa na sa iba’t ibang tao, dito na lang siguro malalaman ang katotohanan. Wala na talagang malalaman pa sa Senado kung panay turuan, pagtanggi at paiba-ibang pahayag mula sa lahat ng personalidad at institusyon na may kinalaman sa kasong ito.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with