^

Probinsiya

Stude niratrat ng pulis, dedo

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang 19-anyos na college student matapos itong pagbabarilin ng pulis na sinasabing lango sa alak kaugnay sa mainitang pagtatalo sa labas ng beach resort sa Tacurong City, Sultan Kudarat, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Dondon Mandal ng Southern Institute of Technology sa nasabing lungsod habang sumuko naman ang suspek ay si PO1 Elizer Lorenzo na nakadestino sa Arakan PNP sa North Cotabato.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Ranni Atsuela, hepe ng Tacurong City PNP.

Base sa pahayag ng mga kaibigan, may nakaalitan sa swimming pool ang biktima kung saan kaibigan daw ng anak ni PO1 Lorenzo.

Gayon pa man, paglabas sa beach resort ng biktima at mga kaibigan ay kaagad na nilapitan at pinagbabaril ng suspek na sinasabing lango sa alak.

Tatlong tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ng biktima habang nahaharap naman sa kasong murder at paglabag sa Comelec gun ban ang suspek na pinaniniwalaang sisibakin sa pagka-pulis at nasa kulungan pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with