^

Bansa

DILG hiling makialam sa kaso ng Pampanga vice mayor

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hiniling ng vice mayor ng Candaba, Pampanga sa Department of the Interior and Local Government na mamamagitan sa kaso na kanyang napanalunan sa Regional Trial Court at sa Office of the Ombudsman laban sa kasalukuyang alkalde.

Ayon kay Vice Mayor Normita Evangelista, kailangang kumilos ang DILG sa nasabing isyu at direktang atasan si Mayor Rene Maglanque na sumunod sa utos ng korte.

Nauna nang pinayagan ni Judge Edgar Chua ng San Fernando City RTC ang petition ni Evangelista para sa deklarasyon ng pagpapawalang bisa ng Office Order No. 16-S-2014 na inisyu ni Maglanque.

Sa utos ng nasabing tanggapan ay inalisan ng kapangyarihan ang vice mayor na lumagda sa lahat ng mandamyento na inilabas sa municipal treasury para sa lahat ng gastusin para sa Office of the Vice Mayor at sa Municipal Council.

Sa pagbibigay sa petisyon ni Evangelista, ayon kay Judge Chua, ang Office Order No. 16-S-2014 ay walang bisa at epekto dahil kasama rito ang Office of the Vice Mayor ng Candaba.

Inatasan din ang Municipal Budget Officer at ang Municipal Treasurer ng Candaba “na padaliin at iproseso ang lahat ng mandamyento at/o disbursement vouchers na inilabas ng municipal treasury para sa lahat ng gastusin na naangkop para sa ope­rasyon ng Sangguniang Bayan at ng Office of the Vice Mayor ng Candaba hanggang o kahit na may lagda at aprobal ito ng petitioner (Normita L. Evangelista), kahit walang naunang pagsang-ayon at lagda ng respondent local chief executive.

Sa pagdadala ng kaso sa hukuman, sinabi ni Evangelista na ang kautusan ay inisyu na may “grave abuse of discretion” dahil ipinagkait sa kanya ang kapangyarihang pumirma sa lahat ng warrant mula sa municipal treasury para sa gastusin sa operasyon ng Sangguniang Bayan at ng Office of the Vice Mayor.

Si Evangelista ay na­nalo sa dalawang kaso na isinampa sa isang Regional Trial Court at sa Ombudsman, sanhi para ang incumbent mayor ay umakto bilang unang respondent, at linisin ng Ombudsman sa pangalawang kaso.

Ayon kay Evangelista, ang desisyon ng RTC at ng Ombudsman ay isang tagumpay para sa kanya na maaring maging daan para sa isa pang tagumpay sa Mayo.

ACIRC

ANG

AYON

CANDABA

EVANGELISTA

MAYOR

OFFICE OF THE VICE MAYOR

OFFICE ORDER NO

PARA

REGIONAL TRIAL COURT

SANGGUNIANG BAYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with