^

Police Metro

MMDA sumang-ayon sa AFP vs trapik

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sang-ayon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa naging pahayag  ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na handa silang tumulong para masolusyunan ang matinding trapik sa buong Kalakhang Maynila partikular sa EDSA.

Ikinatuwa ng MMDA  ang pahayag ng AFP na handa silang umayuda sa pagmamantina ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.

“Welcome development dahil mas masaya kung maraming ahensiya ng pamahalaan ang nagtulung-tulong para solusyunan ang matinding trapik sa Metro Manila,” dagdag pa ni MMDA Chairman Emerson Carlos

Subalit, nilinaw ni Carlos na wala pang ugnayan sa pagitan ng MMDA at AFP kaugnay sa nasabing plano.

Nabatid na unang ipinahayag ng AFP na handa silang tumulong sa MMDA at Philippine National Police (PNP), Highway Patrol Group (HPG) sa pagmantine ng daloy ng trapiko kaugnay sa matinding traffic congestion sa Kalakhang Maynila.

Samantala, mariing pinabulaanan naman ni Carlos na may iringan sa pagitan ng MMDA at HPG hinggil sa isinasagawang clearing operation sa mga lugar na idineklarang Mabuhay Lanes.

Ayon kay Carlos, tsismis lamang aniya ito at walang katotohanan na may iringan sa pagitan ng MMDA at HPG.

Ang reaksiyon ni Carlos ay maykaugnayan sa mga lumabas na ulat na may iringan ang naturang ahensiya at HPG kaugnay sa pagpapatupad ng clearing operation laban sa lahat ng uri ng traffic obstruction sa Mabuhay Lanes.

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

CHAIRMAN EMERSON CARLOS

HIGHWAY PATROL GROUP

KALAKHANG MAYNILA

MABUHAY LANES

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MMDA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with