^

Probinsiya

Mga kandidato sa 2016 elections pinakikilos kontra climate change

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ng multi sectoral groups ang mga kandidato sa 2016 election at maging ang  pamahalaan na kumilos na at gumawa ng kaukulang aksiyon para maibsan ang epekto ng climate change.

Ito ay ginawa ng multi sectoral organization mula sa ibat-ibang panig ng bansa kasabay ng pagpapakita sa media ng 10 milyong lagda para sa kapaligiran.

Inilunsad din ng grupo ang sama samang panawagan sa pamahalaan at mga kandidato na pagtagumpayan ang pangangalaga at proteksiyon gayundin ng preserbasyon  ng kapaligiran at kalikasan  kasabay ng mga pag uusap kahapon hinggil sa climate change sa  Paris, France.

Kahapon ay naipakita sa media ni Ms. Gina Lopez, Chairperson ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. (ALKFI) ang mga lagda na nakuha bilang pagsuporta sa ‘ Save Palawan Movement’s No To Mining campaign’ at sa ‘Bantay Kalikasan’s Yes to Agriculture at Ecotourism campaign’  sa isang press conference sa Quezon City Circle na dinaluhan ng mga representatives ng  may  800 iba pang pro-environment at climate justice groups sa Pilipinas.

 Muli sinabi ni Lopez ang epekto ng minahan sa  pagbagsak ng kabuhayan ng mamamayan.

Batay sa pag -aaral ng mga natural at social scientists mula sa  Palawan State University, Bicol University, at Mindoro State University  na ang mga mining communities ay nawawalan ng mahigit sa P2 bilyon at higit pa dahil sa economic costs ng pagmimina.

Anya, ang Pilipinas ang  world’s 3rd most vulnerable nation na apektado ng  climate change at maiibsan lamang ang epekto nito kung tututok ang pamahalaan sa ecotourism at agriculture tulad sa Pilipinas na mayaman sa likas na yaman at biodiversity.

ACIRC

ANG

BANTAY KALIKASAN

BICOL UNIVERSITY

LINGKOD KAPAMILYA FOUNDATION

MGA

MINDORO STATE UNIVERSITY

MS. GINA LOPEZ

NBSP

NO TO MINING

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with