^

PSN Palaro

PSL tankers hahataw sa 88th National Series

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aarangkada bukas ang 88th Philippine Swimming League (PSL) National Series - Inter-School/Inter-Club Motivational Yearender Swimming Meet sa Diliman College swimming pool sa Quezon City.

Ang torneo ang huling kumpetisyon ng PSL sa taong ito bago ihayag ang listahan ng mga nagkwalipika sa mga international tournaments na lalahukan ng asosasyon sa susunod na taon kabilang ang Indian Ocean All-Star Challenge sa Australia, Phuket Invitational Swimming Championship sa Thailand at Hong Kong Stingrays Swimming Meet.

“As we always say, our competition is open to all. We are inviting everyone to participate especially those who want  to represent our country in international level,” pahayag ni PSL President Susan Papa.

Pararangalan ng medalya ang tatlong mangunguna sa bawat event habang bibigyan naman ng tropeo ang mga tatanghaling Most Outstanding Swimmer sa kani-kanilang age groups.

Magkakamit naman ng tig-P1,500 papremyo ka­lakip ang President’s Trophy ang dalawang tankers (isa sa babae at isa sa lalaki) na magtatala ng pinakamataas na FINA points.

Nais ng PSL na magkaroon ng mas magarbong kam­panya sa susunod na taon kaya’t masusing pinag-aaralan ng PSL board ang listahan ng mga kandidato.

“A lot of successful swimmers started in the motivational level. Some of them have improved a lot just like the Cusing siblings (Paul, Carmela and Celine). Nag-start sila sa ‘learn to swim program’ and now they’re winning medals abroad,” dagdag ni Papa.

 

ACIRC

ANG

CARMELA AND CELINE

DILIMAN COLLEGE

HONG KONG STINGRAYS SWIMMING MEET

INDIAN OCEAN ALL-STAR CHALLENGE

INTER-CLUB MOTIVATIONAL YEARENDER SWIMMING MEET

MOST OUTSTANDING SWIMMER

NATIONAL SERIES

PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE

PHUKET INVITATIONAL SWIMMING CHAMPIONSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
22 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with