Bongbong Marcos naghain na ng COC bilang VP
MANILA, Philippines – Pormal nang kandidato para sa pagkabise presidente sa susunod na taon si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos matapos maghain ng kaniyang certificate of candidacy (COC) ngayong Martes sa tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros.
Tatakbo bilang independent candidate si Marcos at makakalaban niya ang kaniyang mga kaalyado sa Nacionalista Party na sina Sens. Alan Peter Cayetano at Antonio "Sonny" Trillanes IV.
Walang katambal si Marcos dahil tinanggihan niya ang alok ni Bise Presidente Jejomar Binay na maging running mate niya, habang ang inalok niyang si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay hindi tatakbo sa mas mataas na posisyon.
Inendorso si Marcos nitong Sabado nina dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada at Sen. Juan Ponce Enrile.
Bukod kina Cayetano at Trillanes makakalaban din nila si Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo.
- Latest