^

Bansa

DENR Chief panay biyahe, sibak!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
DENR Chief panay biyahe, sibak!
Paliwanag ni Executive Secretary Lucas Bersamin, bagamat walang isyu ng ­korapsyon si Loyzaga ay may mga nakakarating naman na sumbong kay Pangulong Marcos na mas madalas nasa labas ng bansa ang kalihim kaya pinagpahinga na ito.
twitter.com / DENROfficial

Bersamin, 5 pa mananatili sa Gabinete?

MANILA, Philippines — Tuluyan nang inalis sa puwesto si Department of Environment and ­Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Loyzaga-Yulo matapos tanggapin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang courtesy resignation.

Paliwanag ni Executive Secretary Lucas Bersamin, bagamat walang isyu ng ­korapsyon si Loyzaga ay may mga nakakarating naman na sumbong kay Pangulong Marcos na mas madalas nasa labas ng bansa ang kalihim kaya pinagpahinga na ito.

Si Yulo ay papalitan ni Department of Energy (DOE) Secretary Rafael Lotilla.

Samantala, hindi naman tinanggap ni Pangulong Marcos ang courtesy resignation ni Bersamin at limang economic team ng Pangulo.

Sinabi ni Bersamin, na tinawagan siya ng Pangulo at sinabing hindi tinanggap ang kanyang pagbibitiw at nasa kanya ang buong suporta nito.

Inanunsiyo rin ni Bersamin na bukod sa kanya ay mananatili sa puwesto sina Department of Trade and Industry Secretary Ma.Cristina Roque, Department of Finance Secretary Ralph Recto; Department of National Economic and Development ­Authority of the Philippines (NEDA) Secretary Arsenio ­Balisacan, Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman at si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs of the Philippines Frederick Go.

Kaugnay nito, dahil magreretiro na sa ­Hulyo 20, 2025 si Permanent Representative sa United Nations Antonio Lagdameo kaya papalitan na siya ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo at ang papalit sa kanyang puwesto ay si dating ambassador at undersecretary Thess Lazaro.

Samantala, inilipat naman si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ­Secretary Rizalino Acuzar bilang bagong kalihim ng Pasig River Rehabilitation Improvement at ang papalit sa kanya sa DHSUD ay si Undersecretary Engineer Jose Ramon Aliling.

Hindi na aniya bago sa DHSUD si Aliling dahil siya ang naging in-charge sa Pambansang Pabahay para sa Filipino housing for PH Program and Pasig Bigyan Buhay Multi Project.

Nilinaw naman ni Bersamin na unang ­inaksyunan ng Pangulo ang evaluation ng economic team dahil sa ­malaking impact nito sa buhay ng mga Pilipino.

DENR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with